1st Diocesan Convention of Novicios at Novicias, isasagawa ng Diocese of Boac

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 360 total views

Magtitipon ang humigit-kumulang 2,000 kabataan mula sa Diocese of Boac sa bayan ng Torrijos, Marinduque bilang bahagi ng mas pinaigting na formation program ngayong panahon ng Kuwaresma.

Ayon kay Fr. Jovin Grimaldo, director ng Commission on Youth ng diyosesis, layunin ng pagtitipon na mailayo ang kabataan sa labis na pagkababad sa digital world alinsunod sa panawagang digital fasting ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at higit na mapalalim ang kanilang buhay pananampalataya.

Isasagawa ang 1st Diocesan Convention of Novicios and Novicias sa ika-7 ng Marso bilang bahagi ng year-long celebration ng Year of the Family and Youth, kaugnay ng paghahanda sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng diyosesis sa 2028.

“Imbes na sila’y maging abala sa mga social media o sa digital world, sila’y nagiging abala sa buhay kabanalan ngayong panahon ng Kuwaresma,” pahayag ni Fr. Grimaldo sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ng pari na ang tradisyon ng novicios at novicias sa Marinduque ay matagal nang panata na unang isinagawa bilang paghahanda ng mga tatanggap ng sakramento ng kasal, at kalaunan ay ibinukas sa mga kabataan upang higit silang mapalapit sa Diyos sa pamamagitan ng pananalangin, sakripisyo, at pamamanata.

Ngayong taon, kauna-unahang pagbubuklurin ng diyosesis ang mga kabataan sa isang malawakang pagtitipon.

Bukod sa mga formation modules, nag-imbita rin ang pamunuan ng mga tagapagsalita mula sa TV Maria at Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) upang tugunan ang kinahaharap na suliranin ng kabataan.

“Lalo na ngayon ang mga kabataan ay nakakaranas ng iba’t ibang challenges, particularly mga mental health, depression at anxieties,” ani Fr. Grimaldo.
Binigyang-diin ng pari na mahalagang maramdaman ng kabataan ang presensya at pag-ibig ng Diyos sa gitna ng kanilang pinagdaraanan.

“Napakahalaga na ang bawat tao, lalo higit ang kabataan, ay malapit sa Diyos at madama nila ang kanyang pag-ibig upang lagi nilang maalaala na may nagmamahal sa kanila,” dagdag pa ng pari.
Sa pamamagitan ng mas pinaigting na pananatili sa simbahan, pananalangin, at pagsasabuhay ng digital fasting, umaasa ang simbahan na higit na mapatatag ang pananampalataya ng kabataan at magabayan sila sa bawat yugto ng kanilang buhay.

Iginiit ni Fr. Grimaldo na patuloy ang paanyaya ng simbahan sa mga kabataan na mamuhay nang may pananalig at samahan ng panalangin ang bawat hamon na kanilang kinahaharap upang manatiling inspirado at pinagpapala.

Tema ng pagtitipon ang “Hamos, Hayon, Hayo: A Synodal Journey,” na paanyaya sa mga kabataang Marinduqueño na magbuklod sa paglalakbay bilang iisang simbahan.
Magsisimula ang gawain alas-7 ng umaga sa St. Ignatius of Loyola Parish Church, na susundan ng synodal walk patungong Torrijos Stadium kung saan gaganapin ang pagtitipon.
Bukod sa mga panayam, magkakaroon din ng synodal encounter ang mga kabataan kay Boac Bishop Edwin Panergo bago ang pagtatapos ng gawain sa pamamagitan ng banal na misa alas-2 ng hapon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 23,601 total views

 23,601 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 56,683 total views

 56,683 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 85,034 total views

 85,034 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 152,765 total views

 152,765 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 174,198 total views

 174,198 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top