Pagsusuri sa pagkakilanlan, pagmimisyon at pakikipagkaisa, tiniyak ng SCJ

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 411 total reads

Tiniyak ng Sacred Heart of Jesus Congregation (SCJ) o Dehonians ang masusing pagsusuri at mas malinaw na pagtutok sa pagkakilanlan, misyon, at pakikipagkaisa.

Ito ang mensahe ni SCJ superior of the Philippine region Fr. Nino Etulle sa ginanap na SCJ Annual Assembly 2026 noong February 9 hanggang 13 sa Sacred Heart Spirituality Center, Dumalinao, Zamboanga Del Sur.

Sa temang “Formed, Focused, and Future Ready: Implementing the Chapter for the Renewed SCJ Philippine Region,” binigyang-diin ng pari na napapanahon nang suriin ang buhay at pastoral na gawain ng rehiyon alinsunod sa mga itinakdang direksyon ng Dehonians.

“We have arrived at the moment to evaluate our life and pastoral ministries in the light of the Programmatic Letter of the General Administration that we have adopted — focusing on Identity, Mission, and Communion,” pahayag ni Fr. Etulle sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ng pari na ang pagtitipon ng SCJ Philippine Region ay hindi lamang taunang pagpupulong kundi isang pagkakataon upang higit na pagtibayin ang sama-samang pananagutan sa misyon ng Simbahan sa bansa.

“The SCJ Philippine Region gathers to Reflect, Listen, and Act,” ani Fr. Etulle.

Dagdag pa ni Fr. Etulle, mahalaga ang mas malalim na pagninilay sa kolektibong tungkulin ng bawat kasapi, lalo na sa pakikipagtulungan sa mga lokal na simbahan.

“We reflect together on our shared responsibility in the mission in the Philippines and our collaboration with the local Church…We strengthen the participation of all in the growth of the mission,” aniya.

Kasabay nito, hinimok niya ang mga kasapi na yakapin ang diwa ng pagkakaisa bilang kongregasyon.

“We encourage our members to embrace the spirit of ‘Sint Unum,’ walking together,” ayon kay Fr. Etulle.

Giit pa ng pari, nakatuon ang rehiyon sa panibagong sigla ng pagiging Dehonian sa pamamagitan ng mas aktibong pakikilahok sa mga proseso ng pagpapasya.

“We renew our focus on Dehonian identity, communion, and mission, with active participation in all decision-making,” saad ni Fr. Etulle.

Ang SCJ Annual Assembly 2026 ay bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng mga direktiba ng Kongregasyon upang higit na mapatatag ang pagkakilanlan, misyon, at pakikipagkaisa ng mga kasapi nito sa Pilipinas.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 15,058 total reads

 15,058 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 77,815 total reads

 77,815 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 114,603 total reads

 114,603 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 145,418 total reads

 145,418 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 195,179 total reads

 195,179 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 256,778 total reads

 256,778 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top