Pangulong Duterte, hinamong isapubliko ang mga Barangay captain na sangkot sa droga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 439 total views

Sinang-ayunan ni Barangay 158 Baesa, Caloocan City Captain Jose Secuana ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang press conference sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na 40-porsiyento ng mga barangay captain sa bansa ay sangkot sa illegal na droga.

Ayon kay Secuana, totoo ang pahayag ng pangulo kung saan maraming kapitan ng barangay ang dawit sa paggamit ng ipinagbabawal na gamut.

Inihalimbawa ni Secuana ang kaibigan niyang barangay captain na aminadong drug user na pinatay isang araw matapos personal na sumuko sa Malacañang.

“Mayroon akong isang kaibigan [Barangay Captain] sa Caloocan din na nasangkot sa drugs, sumuko s’ya ng personal. Sumuko s’ya nung biyernes sa Malacañang tapos nung Sabado ng madaling araw pinatay siya,” kuwento ni Secuana.

Hinihiling naman ng kapitan sa pangulong Duterte na tukuyin at isapubliko ang listahan ng mga barangay captains na sangkot sa illegal na droga upang malinis ang pangalan ng mga tapat na naglilingkod sa bayan.

Pinagtatalunan sa kasalukuyan ang panawagan ni Pangulong Duterte na ipagpaliban muna ang 2017 barangay elections at i-appoint na lamang niya ang mga ito upang mapigilan ang mga narco-politicians na humawak ng puwesto.
Sa tala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), 8,629 na mga barangay mula sa kabuuang 42,065-barangay sa Pilipinas ay nakapagtala ng mga drug related cases kung saan nangunguna ang paggamit sa shabu.

Patuloy naman ang rehabilitation program ng Simbahan sa mga drug pusher at users na nagnanais magbagong buhay.

See: http://www.veritas846.ph/huwag-sumuko-sa-mga-naligaw-ng-landas-sa-droga-cardinal-tagle/

Sa katuruang panlipunan ng Simbahang Katolika, tanging kasalanan at pagkasira ng buhay ang maidudulot ng pagtangkilik ng tao sa ipinagbabawal na gamot.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 47,577 total views

 47,577 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 43,446 total views

 43,446 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 79,648 total views

 79,648 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 88,351 total views

 88,351 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 113,632 total views

 113,632 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 80,186 total views

 80,186 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 270,579 total views

 270,579 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top