Appointment ng mga barangay captains, labag sa Saligang Batas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 949 total reads

Labag sa Saligang Batas ang panukalang pagtatalaga na lamang ng mga lokal na opisyal ng baranggay at pagpapaliban ng Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ito ang binigyang diin ni Atty. Romulo Macalintal – Election Law Expert, kaugnay sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagpapaliban sa nasabing halalan at pag-a-appoint na lamang ng mga bagong opisyal ng barangay.

Paliwanag ni Atty. Macalintal, malinaw na nasasaad sa Saligang Batas na ang mga Local Officials kabilang na ang mga Barangay Officials, mga gobernador, mayors at mga konsehal ay mga ‘Elective Officials’ na dapat ay dumaan sa halalan at iboto ng sambayanan.

“Yang pagtatalaga sa pamamagitan ng batas o anumang executive order ng mga barangay officials ay labag sa Saligang Batas, kasi maliwanag sa ating Saligang Batas na ang mga Barangay Officials katulad ng mga gobernador at ng mga mayors at mga konsehal ay mga ‘Elective Officials’. Sinasabi ng Saligang Batas na yang mga Barangay Officials, yang mga provincials, mga municipal, mga city officials ay mga local government units sila, sila ang head at sila ay dapat na dumaan sa halalan kaya yung sinasabing na aamyendahan daw yung local government code mali yun, ang dapat amyendahan para magkaroon ng appointment ay amyendahan natin ang Saligang Batas…”pahayag ni Atty. Romulo Macalintal sa panayam sa Radio Veritas.

Dagdag pa ni Atty. Macalintal, dapat malaman ng mga mambabatas na nagsusulong ng pag-amyenda sa Local Government Code ay labag sa Saligang Batas o unconstitutional dahil sa malinaw na sinasabi ng Konstitusyon na dapat inihahalal ang mga lokal na opisyal.

Bukod dito, dapat din aniyang mapagtanto ng mga nagsusulong ng naturang panukalan na kabilang rin sa nasasaad sa Local Government code ang mga posisyon ng governors, mayors at mga konsehal.

Kaugnay nito, nanawagan na rin sa pamahalaan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na kinakailangang dumaan sa tamang proseso at may sapat na batayan ang panukalang muling pagpapaliban sa Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections lalo na’t nasasaad sa batas at sa umiiral na demokrasya na ang eleksyon ang pangunahing paraan ng paghahalal ng mga opisyal ng bayan maging sa mga barangay.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahang Katolika, hindi nararapat balewalain ang kasagraduhan ng pagboto, bilang isang mahalagang sangkap ng demokrasya at unang hakbang para sa pagbabago ng lipunan.

Sa tala ng COMELEC, mayroong higit sa 17,700 ang bilang ng mga lokal na opisyal sa buong bansa, kabilang na ang mga governors, vice governors, provincial board members, city mayors, city vice mayors, city councilors, municipal mayors, municipal vice mayors at sangguniang bayan members.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 83,163 total reads

 83,163 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 130,474 total reads

 130,474 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 178,345 total reads

 178,345 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 282,293 total reads

 282,293 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 364,578 total reads

 364,578 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top