Rotary Club Makati, tiniyak ang patuloy na suporta sa SANLAKBAY

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 549 total reads

Tiniyak ng Rotary Club Makati ang patuloy na pagsuporta sa misyon ng Sanlakbay Drug Rehabilitation na parish-based drug rehabilitation program ng Archdiocese of Manila.

Kabilang ang kanilang naturang pagsuporta sa “Sanlakbay Para sa Pagbabagong Buhay” sa itinuturing ng Rotary Club Makati na legasiya para sa kanilang nalalapit na paggunita ng 60th Charter Celebration sa ika-13 ng Marso, 2026.

Taong 2017 ng unang makipagtulungan ang Rotary Club Makati sa Archdiocese of Manila upang masuportahan ang programa ng Simbahan na Sanlakbay Drug Rehabilitation na naglalayong matulungan ang mga drug-dependents na makapaghilom at makapagbagong buhay.

“In 2017, RC Makati partnered with the Archdiocese of Manila to support the parish-based drug rehabilitation program “Sanlakbay Para sa Pagbabagong Buhay” (One Journey Towards a Renewed Life), which helps drug dependents who voluntarily surrendered to authorities begin a path towards their recovery.” Bahagi ng pahayag ng Rotary Club Makati.

Pagtiyak ng Rotary Club Makati, makakaasa ang Sanlakbay Drug Rehabilitation sa kanilang patuloy na pagtulong sa pamamagitan ng mga donasyong kagamitan at suporta sa programa.

Naniniwala ang Rotary Club Makati na mahalaga ang misyong ginagampanan ng Sanlakbay Drug Rehabilitation na nakabatay sa habag, walang kundisyong pagmamahal sa kapwa, at pananampalatayang Kristiyano, na nagbibigay ng gabay at suporta para sa mga indibidwal na naghahangad ng panibagong buhay.

“Grounded in compassion, unconditional love, and the Christian faith, the program provides guidance and support for individuals seeking a renewed life. RC Makati continues to assist Sanlakbay through equipment donations and program support.” Dagdag pa ng Rotary Club Makati.

Una ng binigyang diin ni Rev. Fr. Roberto ‘Bobby’ Dela Cruz, Priest-in-Charge ng Restorative Justice Ministry ng Archdiocese of Manila na nangangasiwa sa programang SANLAKBAY, na mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang institusyon ng lipunan upang mapanumbalik ang tiwala at kapanatagan na kinakailangan para makapagbagong buhay ang isang nalulong sa pinagbabawal na gamot.

Ang “SANLAKBAY para sa Pagbabagong Buhay” ay ang parish-based drug rehabilitation program ng Archdiocese of Manila na itinatag noong 2016 bilang paraan ng pagtugon ng Simbahang Katolika sa suliranin ng pagkalulong sa illegal na droga ng ilang mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 77,081 total reads

 77,081 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 111,822 total reads

 111,822 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 147,122 total reads

 147,122 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 373,391 total reads

 373,391 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 262,615 total reads

 262,615 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top