Peace is not simply a greeting, it is a mission of every Priest-Bishop Ayuban

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 492 total reads

Iginiit ni Cubao Bishop Elias Ayuban Jr., CMF, na ang paghahatid ng kapayapaan ay hindi lamang bahagi ng pagbati sa banal na misa kundi isang mahalagang tungkulin ng bawat lingkod ng Simbahan.

Ito ang binigyang-diin ng obispo sa pagdiriwang ng Mass for Peace kasabay ng kanyang ika-30 anibersaryo ng pagiging pari kung saan ibinahagi nito ang kahalagahan ng kapayapaan sa gitna ng mga hamon na kinakaharap ng mundo at ng lokal na pamayanan. Ayon kay Bishop Ayuban, higit pa sa isang liturhikal na pagbati ang kapayapaan na madalas marinig sa misa.

Ipinaliwanag ng obispo na sa tuwing ipinahahayag ng pari ang kapayapaan ng Panginoon sa banal na misa ay paalala rin ito sa kanilang bokasyon na maging instrumento ng pagkakasundo at pagkakaisa sa pamayanan.

“Peace is not simply a greeting. It is a mission of every priest… Before peace can transform nations, it must first transform hearts because the heart of peace is peace in the heart,” ayon kay Bishop Ayuban. Sa gitna ng mga umiiral na sigalot sa iba’t ibang bahagi ng mundo at mga pagsubok na nararanasan ng mga pamayanan, iginiit ni Bishop Ayuban na mahalaga ang pagtataguyod ng kultura ng pagkikita at pakikipag-ugnayan sa kapwa.

“Peace grows when we build a culture of encounter. Peace is born when we begin to see each other not as strangers, not as enemies, but as brothers and sisters,” ani ng obispo. Dagdag pa ng obispo, hindi maituturing na ganap ang kapayapaan kung walang katarungan at paggalang sa dignidad ng bawat tao. “Peace is not only the absence of war. Peace exists where human dignity is respected,” giit ni Bishop Ayuban.

Hinimok din ni Bishop Ayuban ang mga mananampalataya na maging aktibong tagapagdala ng kapayapaan sa kanilang mga komunidad. Ipinaalala ng obispo na ang tunay na kapayapaan ay nagmumula sa Panginoon at hindi sa kapangyarihan o kayamanan ng mundo. “We are not called only to be peace lovers, but peacemakers…

True peace does not come from power, wealth, or success. True peace comes from Christ, who is our peace,” dagdag pa ni Bishop Ayuban.

Ipinagkatiwala rin ni Bishop Ayuban sa pangangalaga ng Mahal na Birheng Maria, bilang Reyna ng Kapayapaan ang mga biktima ng mga kalamidad tulad ng nangyaring sunog kamakailan sa Quezon City na sakop ng diyosesis, ang bansa at ang buong mundo upang patuloy na makamtan ang kapayapaan at pag-asa sa gitna ng mga pagsubok.

Si Bishop Ayuban ay naordinahang pari ng Claretian missionary noong March 9, 1996 at naging ikalawang obispo ng Cubao noong December 3, 2024.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 77,066 total reads

 77,066 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 111,807 total reads

 111,807 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 147,107 total reads

 147,107 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 373,376 total reads

 373,376 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 262,600 total reads

 262,600 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top