Hindi biro ang pambabastos sa kababaihan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 450 total reads

Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdiriwang ng Women’s Month—kung kailan dapat mas matingkad ang paggalang sa dignidad ng bawat babae—may mga salitang lumabas mula sa bibig ng mga nasa kapangyarihan na nagpapatunay kung gaano kalalim ang problema ng pambabastos sa kababaihan. 

Sa isang pagdinig ng House Committee on Justice, kung saan seryosong tinatalakay ang mga impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte, sinubukan ni Quezon City 4th District Representative Bong Suntay na ipagtanggol si VP Sara sa pamamagitan ng isang nakakadiring halimbawa. Aniya, nang makita niya ang aktres na si Anne Curtis ay nagkaroon umano siya ng “desire” sa kanyang loob na “nag-init.”

Anong kinalaman ng aktres sa pagdinig? Bakit kailangan siyang gawing halimbawa para ipagtanggol ang isang pulitiko? Sa halip na pag-usapan ang pananagutan ni VP Sara, nabaling ang atensyon ng mga tao sa isang bastos na komentong hindi dapat lumabas sa isang pormal na pagdinig ng Kongreso. 

Ganito na bang uri ng talakayan ang dapat nakikita sa Kongreso?

Matapos umani ng matinding batikos mula sa publiko, mga kapwa-opisyal sa pamahalaan, at maging mga kilalang personalidad, humingi si Congressman Suntay ng paumanhin. Pero wala bahid ng sinseridad ang paumanhin niya. Hindi niya inamin ang kanyang pagkakamali; baka raw kasi nasaktan daw ang aktres kaya siya nag-sorry. Sinabi pa niyang paghanga o “compliment” ang sinabi niya tungkol sa aktres.

Mariing kinondena ng Philippine Commission on Women (PCW) ang sinabi ni Congressman Suntay. Ayon sa PCW, ang ganitong pananalita ay hindi simpleng biro o pagpapahayag ng paghanga. Ito ay anyo ng sexual objectification o pagtrato sa babae na parang bagay na pinagnanasaan. Dagdag pa ng PCW, may mga batas na malinaw na nagtatanggol sa dignidad at kaligtasan ng kababaihan. Nariyan ang Safe Spaces Act o ang Bawal Bastos Law, pati na rin ang Magna Carta of Women. Layon ng mga itong tiyakin na ang mga babae ay malaya mula sa anumang anyo ng diskriminasyon, karahasan, at pang-aabuso. Kung ang mismong mga mambabatas ang magbibitaw ng mga salitang taliwas sa diwa ng mga batas na ito, paano natin maaasahang tunay na mapoprotektahan ang mga Pilipina?

Bilang mga Kristiyano, malinaw ang paalala sa Galacia 3:28: “Wala nang… lalaki o babae; sapagkat kayong lahat ay iisa kay Hesukristo.” Sa mata ng Diyos, walang nakahihigit at walang mababa, babae man o lalaki, kaya walang karapatan ang sinuman, kahit pa congressman, na mambastos.

Malinaw ding kinukondena sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes ang anumang uri ng diskriminasyon, kabilang ang diskriminasyong batay sa kasarian. Salungat ito sa kalooban ng Diyos. Ang dignidad ng bawat tao, babae man o lalaki, ay hindi dapat maliitin. Hindi ito dapat gawing biro.

Ang pagiging lingkod-bayan ay hindi lamang tungkol sa kapangyarihan o posisyon. Ito ay tungkol sa pananagutan, lalo na sa mga salitang binibitawan sa publiko. Ang mga lider ay inaasahang magpakita ng halimbawa ng pagiging magalang, pag-iingat sa pananalita, at pagkilala sa dignidad ng bawat tao.

Mga Kapanalig, sa huli, ang isyung ito ay hindi lamang tungkol sa isang artista o kongresista. Ito ay tungkol sa kung anong uri ng lipunan ang nais nating magkaroon. Gusto ba natin ng isang lipunang normal ang pambabastos sa kababaihan, o isang lipunang tunay na kumikilala sa kanilang dignidad at karapatan? Kung tunay nga nating ipinagdiriwang ang kontribusyon ng kababaihan sa lipunan ngayong Women’s Month, dapat malinaw sa atin ang paalala ng PCW, “Ang dignidad ng babae ay hindi paksa ng biro, pagnanasa, o komentaryo. Ito ay karapatang pantao na hindi dapat yurakan ng kahit sino, lalo pa ng isang mambabatas ng Kongreso.” 

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 57,814 total reads

 57,814 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 162,025 total reads

 162,025 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 198,813 total reads

 198,813 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 229,388 total reads

 229,388 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 275,447 total reads

 275,447 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAANO GINASTOS ANG PERA

 57,815 total reads

 57,815 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 162,026 total reads

 162,026 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 198,814 total reads

 198,814 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 229,389 total reads

 229,389 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »
Scroll to Top