Bishop Bagaforo, nagbabala sa mga gumagamit sa kanyang pangalan sa panloloko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 329 total reads

Nagbabala si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo laban sa mga nagpapanggap at ginagamit ang kanyang pangalan at pagkakakilanlan bilang lingkod ng Simbahan upang makapanglinlang ng mga mananampalataya.

Ibinahagi ng Obispo na siya ring kasalukuyang chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission for Inter-religious Dialogue ang larawan ng isang email address na ginagamit ang kanyang larawan at pangalan upang magpadala ng mensahe hindi lamang sa mga kapwa Pari kundi maging sa mga mananampalataya.

Makikita sa larawan ang litrato at pangalan ni Bishop Bagaforo na may email address na ‘[email protected]’. Paglilinaw ni Bishop Bagaforo na siya ring kasalukuyang Co-President ng Pax Christi International, hindi niya pagmamay-ari ang nasabing email address kaya naman ang anumang mensahe mula rito ay walang katotohanan at hindi dapat pagkatiwalaan.

Paalala ng Obispo, sakali mang makatanggap ng mga kaduda-dudang mensahe o solicitation letter lalo na sa pamamagitan ng online ay marapat na agad makipag-ugnayan sa tanggapan ng parokya o ng diyosesis upang matiyak ang pagiging lehitimo ng natanggap na sulat o mensahe.

“Baka others have received such scam, someone is using my name and sending emails. His fake email address is [email protected]. My appeal, if ever others have received that they ignored it, that they check if the sending email.is really me in my correct email add.” Bahagi ng abiso ni Bishop Bagaforo sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito patuloy na pinapaalalahanan ng Simbahang Katolika ang mananampalataya na mag-ingat laban sa mga mapagsamantalang indibidwal o grupo na ginagamit ang pangalan ng Simbahan, kongregasyon, cardinal, obispo, pari, madre at iba pang lingkod ng Simbahan upang makapanglinlang at makapangalap ng pinansyal na donasyon.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 10,808 total reads

 10,808 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 12,137 total reads

 12,137 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 25,746 total reads

 25,746 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 63,124 total reads

 63,124 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 94,394 total reads

 94,394 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 169,971 total reads

 169,971 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 262,957 total reads

 262,957 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 25,384 total reads

 25,384 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top