Mamamayan, binalaan sa pagiging authoritarian ni Pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 363 total views

Iginiit ni Diocese of Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. na hindi maaaring i-appoint ang isang Barangay Captain.

Ayon sa Obispo, sa Barangay nag-uugat ang “elementary democracy” ng lipunan, dahil dito unang magagamit ang kapangyarihan sa pagpili at paghalal ng taumbayan ng kanilang magiging pinuno.

Dagdag pa ni Bp. Bacani, itinakda ng Saligang Batas na nasa mamamayan ang kapangyarihan upang pumili ng ihahalal at hindi maaaring ang Presidente ng bansa ang pumili nito.

“Hindi pwedeng i-appoint yan, hindi yan ang batas. Yan ang pinaka elementary democracy natin, yung sa Barangay, diyan unang magagamit ang ating pagpili ng mga mamumuno sa ating bayan. Kaya yan ay itinakda ng batas para ang mga tao ang mamili hindi ang presidente,” pahayag ni Bp. Bacani sa Radyo Veritas.

Samantala, binalaan naman ng Obispo ang mamamayan na huwag basta pumayag sa nais ng Presidente na i-appoint ang Barangay Captain dahil ang ganitong pagkilos ay senyales ng pagiging authoritarian ng Pangulo.

Binigyang diin ng Obispo, na dapat maging alerto ang mamamayan at huwag pumayag sa mga kautusang pipigil sa karapatan ng mamamayan sa pagboto.

“Nagiging authoritarian na tayo, dahan dahan yan, yan ang gripping authoritarianism, dinadahan-dahan ang mga mamamayan. Mapapansin mo yan ang mga tao dahan-dahang itinutulak, at ang mga tao kung basta-bastang papayag nalang, bandang huli ay diktador ang lilitaw sa ating presidente.” pahayag ni Bishop Bacani

Sa tala mayroong 42,036 na barangay sa buong Pilipinas.

Magugunitang inihayag ni Pangulong Duterte na hindi niya nais magkaroon ng barangay elections upang hindi na magamit ang narco-money sa kampanya lalo’t 40 porsyento ng mga kapitan sa Barangay ay sangkot sa illegal drug trade.

Naninindigan naman ang CBCP na ang pagboto ay isang mahalagang sangkap ng demokrasya at unang hakbang para sa pagbabago ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 47,438 total views

 47,438 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 43,307 total views

 43,307 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 79,509 total views

 79,509 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 88,215 total views

 88,215 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 113,505 total views

 113,505 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 324,845 total views

 324,845 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top