Huwag gamitin sa propaganda ang mga balita ng digmaan, paalala ng Santo Papa sa mamamahayag

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,106 total reads

Pinaalalahanan ni Pope Leo XIV ang mga mamamahayag na hindi dapat magamit bilang ‘propaganda’ ang mga balita at impormasyon, lalo na sa panahon ng digmaan.

Sa pakikipagpulong sa mga mamamahayag sa Vatican City, binigyang-diin ng Santo Papa ang kahalagahan ng tapat at may tungkuling pagpapahayag ng mga pangyayari at kaganapan lalo na sa patuloy na digmaan sa Gitnang Silangan.

“Always, but especially in the dramatic circumstances of war such as those we are experiencing, information must guard against the risk of turning into propaganda,” ayon sa pahayag ng Santo Papa sa media sa panayam ng Italian state-owned TV channel Rai 2.

Sinabi pa ni Pope Leo, “to show the suffering that war always brings to populations, to show the face of war, and to tell it through the eyes of the victims so that it does not turn into a video game.”

Ayon sa pinunong pastol, mahalagang maipakita ng media ang tunay na epekto ng digmaan sa mga mamamayan, lalo na ang paghihirap ng mga biktima.

Dagdag pa ng Santo Papa, hindi dapat maging tagapagsalita ng kapangyarihan ang media, sa halip ay bilang tagapaghatid ng katotohanan.

Muling iginiit ni Pope Leo XIV na hindi kayang palitan ng teknolohiya at artificial intelligence ang kritikal na pag-iisip at malayang pananaw ng mga mamamahayag.

“Since the challenge of our time is that of artificial intelligence, I think of the need to regulate communication according to the human paradigm and not the technological one. This means, ultimately, knowing how to distinguish between the means and the ends.” Paliwanag ni Pope Leo XIV.

Hinimok din ng Santo Papa ang media na manatiling bukas sa iba’t ibang pananaw upang mapanatili ang patas at makataong pamamahayag sa gitna ng lumalalang pagkakahati ng opinyon sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 29,930 total reads

 29,930 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 66,803 total reads

 66,803 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 85,014 total reads

 85,014 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 169,342 total reads

 169,342 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 205,347 total reads

 205,347 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top