Mananampalataya, hinimok na makibahagi sa Penitential Walk for Life 2026

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 405 total reads

Hinimok ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mananampalataya na makibahagi sa nalalapit na Penitential Walk for Life 2026 sa Marso 20, 2026 sa Intramuros, Manila.

Sa kanyang mensahe, ipinaabot ng Obispo ang kanyang buong suporta sa nasabing gawain na pinangangasiwaan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas.

Ayon kay Bishop Santos, mahalaga ang pakikibahagi ng bawat isa sa layunin ng Penitential Walk for Life 2026 na pagtibayin ang pananalangin, pagsisisi, at paninindigan para sa kabanalan ng buhay lalo na ngayong ginugunita ng Simbahan ang panahon ng Kwaresma.

“I warmly express my support for the upcoming Penitential Walk for Life 2026 organized by the Sangguniang Laiko ng Pilipinas this March 20, 2026, from 3:00 PM to 8:30 PM in Intramuros, Manila. I invite everyone to take part in this meaningful gathering of faith—a walk that calls us to prayer, repentance, and renewed commitment to uphold the dignity and sanctity of every human life.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin din ni Bishop Santos na sa gitna ng mga hamon sa lipunan kung saan nalilimutan ang kahalagahan ng buhay, mahalagang maging saksi ang mga Kristiyano sa pamamagitan ng pagkakaisa at pananampalataya.
“In a world that often forgets the value of life, may this penitential walk be our humble offering of witness, conversion, and solidarity,” Dagdag pa ni Bishop Santos.

Hinimok din ng Obispo ang bawat mananampalataya na isama ang kanilang pamilya, kaibigan, at komunidad sa nakatakdang Penitential Walk for Life 2026 upang sama-samang maipakita ang paninindigan para sa buhay.
“Let us come together as one people of God, entrusting our intentions to the Lord, and asking for His mercy and guidance. May this journey lead us closer to Him and inspire us to be courageous defenders of life in all its stages. I encourage you, dear faithful, to participate and to bring your families, friends, and communities. Together, let us walk in faith, hope, and love—for life.” Ayon pa kay Bishop Santos.

Sa ilalim ng pangkabuuang tema ng Penitential Walk for Life 2026 na “Walk for Life! Walk for Unity as One Nation!” ay umaasa ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas na makiisa ang mga mananampalataya mula sa iba’t ibang diyosesis sa mariing paninindigan para sa pagsusulong ng dignidad at kasagraduhan ng buhay, laban sa anumang banta laban sa buhay ng tao at maging ng kalikasan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 7,065 total reads

 7,065 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 8,705 total reads

 8,705 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 19,364 total reads

 19,364 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 56,742 total reads

 56,742 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 88,012 total reads

 88,012 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 164,290 total reads

 164,290 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 257,553 total reads

 257,553 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 24,748 total reads

 24,748 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top