Pagdurusa ng mamamayan na naiipit sa digmaan, ikinababahala ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 672 total reads

Lubhang nababahala si Pope Leo XIV sa patuloy na pagdurusa ng mga sibilyan sa gitna ng mga digmaan sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa kanyang Angelus sa St. Peter’s Square sa Vatican, iginiit ng Santo Papa na hindi mananahimik ang simbahan sa mga lumalalang tensyon dahil wala itong maidudulot na kabutihan sa lipunan, sa halip ay nagpapalubha lamang sa kahirapan.

Binigyang-diin ng Santo Papa na ang karahasan at pagkamatay ng mga inosente ay hindi lamang usapin ng isang rehiyon kundi ng buong sangkatauhan.

“We cannot remain silent in the face of the suffering of so many defenseless people who are victims of these conflicts. The death and pain caused by these wars is a scandal for the entire human family and a cry that rises to God,” ayon kay Pope Leo XIV.

Dahil dito, muling nanawagan ang Papa sa lahat ng mananampalataya at mga lider ng mundo na isulong ang kapayapaan.

“I strongly renew my appeal to persevere in prayer, so that hostilities may cease and paths to peace may finally open up, based on sincere dialogue and respect for the dignity of every human person,” apela ng Santo Papa.

Samantala, sa kanyang pagninilay para sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma, pinaalalahanan ng Santo Papa ang mga mananampalataya tungkol sa mas malalim na uhaw ng tao na hindi kayang punan ng materyal na bagay.

“Nothing finite can quench our inner thirst, for we are made for God, and we find no peace until we rest in him,” paalala ni Pope Leo.

Tinuligsa rin ng punong pastol ang pananaw ng makabagong lipunan na nakatuon sa panandaliang kasiyahan.

Hinimok din ni Pope Leo XIV ang lahat na magbalik-loob at iwanan ang makasariling pamumuhay, kasabay ng panawagan ni Hesus na “Come out!” isang paanyaya upang mamuhay sa liwanag ng pag-ibig at pag-asa.

Hiniling ng Santo Papa ang tulong ng Mahal na Birheng Maria upang gabayan ang mga mananampalataya sa mas malalim na pakikiisa kay Kristo lalo na sa nalalapit na paggunita ng Semana Santa at ang Paschal Triduum.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 6,340 total reads

 6,340 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 60,011 total reads

 60,011 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 145,376 total reads

 145,376 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 192,112 total reads

 192,112 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 239,984 total reads

 239,984 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 340,970 total reads

 340,970 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top