CBCP,nanawagan ng pakikiisa sa pagtatalaga ng Pilipinas sa Divine mercy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 845 total reads

Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa lahat ng diyosesis at mananampalataya na makiisa sa muling pagtatalaga sa Divine Mercy sa buong bansa bilang tugon sa kasalukuyang mga hamon at kawalang-katiyakan sa mundo.

Sa sirkular ng kalipunan sa pamumuno ni Lipa Archbishop Gilbert Garcera bilang pangulo, inaprubahan ng Permanent Council ng CBCP ang renewal of the Consecration to the Divine Mercy na isasagawa sa Divine Mercy Sunday, sa Abril 12, 2026.

Binigyang-diin sa pahayag na ang hakbang ay isang malinaw na tanda ng pagtitiwala sa Diyos sa gitna ng krisis.

“In the face of our current national and global crises, this renewal of consecration would be a beautiful and fitting response of hope in the Lord’s Mercy.”

Ayon sa CBCP, ang sabayang pagtatalaga sa buong bansa ay magsisilbing makapangyarihang pagpapahayag ng pananampalataya, lalo na sa panahong maraming Pilipino ang dumaranas ng pangamba at pagsubok.

“This nationwide consecration will be a profound expression of our trust in the Divine Mercy—a trust that remains our final refuge in these times of uncertainty and trial.”

Iginiit din ng mga obispo na ang pagtitiwala sa awa ng Diyos ang tanging sandigan ng kaligtasan ng sangkatauhan.

“It is only by trusting in Divine Mercy that we can hope to be saved.”

Kaugnay nito, itinakda ng CBCP na ang panalangin ng Consecration to the Divine Mercy ay bigkasin sa lahat ng misa sa araw ng pagdiriwang, kapalit ng General Intercessions.

Hinikayat din ang lahat ng parokya, religious communities, at Catholic institutions na aktibong makilahok sa inisyatibo.

Inaanyayahan ng CBCP ang buong sambayanan na magkaisa sa panalangin at lubos na magtiwala sa Diyos at hinimok ang mga mananampalataya na sabayang ipahayag ang pananalig kay Hesus na muling nabuhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 25,441 total reads

 25,441 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 61,884 total reads

 61,884 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 115,719 total reads

 115,719 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 178,098 total reads

 178,098 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 245,846 total reads

 245,846 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top