Episcopal Ordination at Installation ni Bishop-elect Saco itinakda sa May 26

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,011 total reads

Itinakda ng Diocese of Tagbilaran sa Mayo 26 ang episcopal ordination at installation ni Bishop-elect Gerardo Saco Jr.

Sa pahayag ng bishop-elect, ibinahagi nitong magsisilbing principal consecrator ng kanyang ordinasyon si Cebu Archbishop Alberto Uy habang co-consecrator din ang pawang Boholano bishops na sina Borongan Bishop Crispin Varquez at Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona.

Pangungunahan naman ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, ang pagluklok kay Bishop-elect Saco bilang ikawalong obispo ng Tagbilaran.

Isasagawa ang mga ito sa St. Joseph the Worker Cathedral Shrine sa alas-9 ng umaga.

Sa kanyang mensahe sa mga mananampalataya, ipinahayag ng bishop-elect ang malalim na pasasalamat sa Diyos sa pagkatawag sa kanya bilang pastol ng diyosesis, kasabay ng pagkilala sa kanyang sariling kahinaan at kakulangan. Gayunman, binigyang-diin nito na ang kanyang pagtugon ay nakaugat sa ganap na pagtitiwala sa kalooban ng Diyos.

Ayon sa kanya, ang mahabang panahon ng paghihintay ng komunidad ay naging patunay ng matatag na pananampalataya ng mga mananampalataya.

“Ang inyong mga panalangin, pagtitiis, at pag-asa ay hindi lamang nagpapakita ng inyong pagmamahal sa Simbahan, kundi nagpapaalala rin na ang Diyos ay kumikilos sa tamang panahon,” ayon kay Bishop-elect Saco.

Pinasalamatan din nito ang buong diyosesis sa patuloy na pananalangin at pagkakaisa, na magsisilbing lakas at sandigan sa kanyang bagong misyon bilang obispo.

Iginiit pa ng obispo na ang kanyang pagtatalaga ay hindi lamang personal na paglalakbay kundi isang sama-samang paglalakbay ng buong sambayanan ng Diyos.

“Hindi ito aking paglalakbay lamang, kundi ating paglalakbay bilang isang pamilya ng pananampalataya—nagkakaisa, nagtutulungan, at ginagabayan ni Kristo na ating Mabuting Pastol,” dagdag pa ng bishop-elect.

Muling nanawagan ang bishop-elect sa patuloy na pananalangin ng mga mananampalataya; nawa’y gabayan ng Espiritu Santo ang buong diyosesis sa pagtatatag ng isang Simbahang matatag sa pananampalataya, buhay sa pag-asa, at puspos ng pag-ibig at paglilingkod.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 17,360 total reads

 17,360 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 79,054 total reads

 79,054 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 124,752 total reads

 124,752 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 226,020 total reads

 226,020 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 295,247 total reads

 295,247 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top