4Ps beneficiaries, iimbestigahan ng DSWD

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 909 total reads

Sisiyasating mabuti ng Department of Social Welfare and Development ang mga pamilyang nakakatanggap ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Ayon kay DSWD under Secretary for Promotive Programs Malou Turalde, magsasagawa ng programang “Kumustahan” ang DSWD kung saan sorpresa nitong bibisitahin ang mga 4Ps beneficiaries at titingnan ang kasalukuyang kalagayan ng kanilang pamilya.

Tiniyak ni Turalde na sa Kumustahan ay masusuri ng DSWD kung tunay na nagagamit para sa pag-aaral at sa kalusugan ng mga miyembro ng pamilya ang pinansyal na tulong mula sa 4Ps.

“Kailangan naming palalimin pa yung pagsusuri dyan, at yan yung isa sa aming patuloy na ginagawa, at ngayon nakapasok sa family development session yung pagpapaabot sa kanila ng mensahe, kailangan malinaw sa kanila yung mensahe na yang cash grant na nakukuha ay dapat ginagamit sa pag-aaral at sa kalusugan ng mga grantees,” pahayag ni Turalde sa panayam sa Programang Veritas Pilipinas.

Ayon kay Turalde, sa kasalukuyan ay may 4.4 na milyong kabahayan na ang nasa ilalim ng programa ng 4Ps.

Bagamat nakatutulong sa mahihirap ang pinansyal na kaloob ng programa, tinutulan naman ng ilang Obispo ang karagdagang 600 piso para sa rice subsidy.

Una nang iginiit ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity na dapat pairalin ang “Work for Food” upang mahikayat ang mamamayan na paghirapan ang kanilang nakukuhang salapi at maiwasan ang kultura ng katamaran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 19,081 total reads

 19,081 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 53,453 total reads

 53,453 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 89,935 total reads

 89,935 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 108,147 total reads

 108,147 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 191,487 total reads

 191,487 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 378,631 total reads

 378,631 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top