Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 135,630 total reads

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel ng liwanag.” 

Sa panahon natin ngayon, nagtatago rin ang kasamaan sa likod ng mga online games. Ito ang natuklasan sa Roblox, na sikat na sikat ngayon lalo na sa mga bata.

Ang Roblox ay isang online platform kung saan may napakaraming three-dimensional games na pwedeng laruin ang mga users. Magagawa ito kahit sa smartphone. Binubuo ang Roblox ng mga tinatawag na “experiences” o “mini-games” na nilikha rin ng mga naglalaro mismo sa online platform na ito. Libre ang paglalaro sa Roblox, at nagiging paraan din ito para magkaroon ng koneksyon ang mga manlalaro sa mga taong hindi nila personal na kilala. Social networking, kumbaga.

Iba’t iba ang mga genre o uri ng laro sa Roblox. May roleplay o parang dula-dulaan gaya ng pag-aampon at pag-aalaga ng mga virtual pets. Meron ding mga obstacle courses at simulation games. Noong 2023, pumangalawa ang Roblox sa pinakasikat na mobile gaming app sa Pilipinas. Aabot sa 67.3 milyon ang daily active users nito, at 80% sa kanila ay nasa edad 16 pababa. Kasama kaya rito ang inyong anak o apo?

Nakababahala ang haba ng oras ng paglalaro ng mga bata ng Roblox. Ayon sa ilang magulang, halos hindi na bitawan ng kanilang mga anak ang gadgets nila. Naaapektuhan na rin ang kanilang pag-aaral, at nag-iiba na ang ugali, lalo na kapag natatalo sila sa kanilang nilalaro. Mabilis daw uminit ang kanilang ulo at nagiging bastos sa kanilang mga magulang.

Pero mas nakaaalarma ang lumabas na balitang napasok na ng masasamang loob ang Roblox. Nagagamit na ito ng mga taong nais akitin ang mga manlalaro, lalo na ang mga bata, sa mga gawaing sekswal at ibang porma ng pananamantala sa mga menor de edad. Ayon pa sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (o CICC), ginagamit ang Roblox, partikular na ang paggamit ng chat features nito, para gawing drug courier o tagapaghatid ng mga iligal na armas ang mga batang naglalaro. Kamakailan, may pitong batang hinikayat ng kanilang kasama sa isang mini-game na sunugin ang kanilang paaralan. Pinagagawa ang ganitong mga bagay kapalit ng mga pabuya o mas malaking tsansang manalo sa online game na nilalaro nila. 

Ipinarating na ng pamahalaan ang mga isyung ito sa pamunuan ng Roblox. Kung hindi aaksyon ang kompanya, binalaan itong ipagbabawal na sa Pilipinas, gaya ng ginawa sa ibang bansa. Kung magpapatuloy ang pagpasok ng mga kriminal sa Roblox, maaaring parusahan ang kompanya dahil sa pagkakanlong sa masasamang-loob. Binigyan ang Roblox ng hanggang katapusan ng buwan para tumugon. 

Patunay ang online gaming platform na Roblox na talagang gagawa at gagawa ng paraan ang demonyo para maghasik ng kasamaan at para maglagay ng maraming patibong na magtutulak sa taong gumawa ng kasalanan. Kahit ang mga larong para lamang sa libangan dapat ay nagiging daan na para lumaganap ang kasakiman at kasamaang inilalagay sa panganib ang dignidad ng tao (lalo na ng mga bata) at ang kabutihang panlahat. Para mapigilan ito, dapat tayong magsama-sama hindi lamang sa pagbabantay at pagsubaybay sa mga bata kundi sa pag-udyok sa pamahalaan na papanagutin ang mga kompanyang kumikita sa pananamantala, kahit pa sa mga musmos. 

Mga Kapanalig, maraming anyo ng kasamaan ang nakapaligid sa atin. Wala silang pinipiling biktimahin. Habang ginagawa ng gobyerno ang tungkulin nitong gawing ligtas ang teknolohiya, gawin din natin ang ating responsabilidad na gabayan ang mga bata. Marami tayong iniintindi araw-araw bilang mga magulang, pero unahin natin ang kapakanan ng mga batang ipinagkatiwala sa atin ng Diyos. 

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 30,378 total reads

 30,378 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 66,464 total reads

 66,464 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 120,299 total reads

 120,299 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 182,382 total reads

 182,382 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 250,125 total reads

 250,125 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapag ginagawang sandata ang batas

 30,379 total reads

 30,379 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 66,465 total reads

 66,465 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 120,300 total reads

 120,300 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »
Scroll to Top