Semana Santa, ipagdiriwang sa Church of the Holy Sepulchre sa Jerusalem sa kabila ng kaguluhan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 46,650 total reads

Tiniyak ng mga pinuno ng Simbahang Katolika sa Jerusalem na maipagdiriwang ang Semana Santa at Pasko ng Pagkabuhay sa Church of the Holy Sepulchre, sa kabila ng umiiral na tensyon at digmaan sa rehiyon.

Ayon sa Latin Patriarchate of Jerusalem at Custody of the Holy Land, nagkaroon na ng kasunduan sa mga pinuno ng Israel upang masiguro ang pagsasagawa ng mga liturhiya at sinaunang tradisyon sa banal na lugar.

“In agreement with the Israeli Police, access for representatives of the Churches has been secured in order to conduct the liturgies and ceremonies and to preserve the ancient Easter traditions at the Church of the Holy Sepulchre,” ayon sa pahayag.

Ayon pa sa pahayag, “The Latin Patriarchate of Jerusalem and the Custody of the Holy Land reaffirm their commitment to dialogue, mutual respect, and the preservation of the Status Quo.”

Sa ilalim ng kasunduan, pinayagan ang limitadong pagpasok ng mga kinatawan ng iba’t ibang simbahan upang maidaos ang mga seremonya, kasabay ng mahigpit na paiiraling seguridad.

Nauna rito, nagkaroon ng insidente kung saan pansamantalang hinarang ng pulisya ng Israel si Latin Patriarch of Jerusalem, Cardinal Pierbattista Pizzaballa at Fr. Francesco Ielpo, Custos of the Holy Land sa pagpasok sa simbahan noong Linggo ng Palaspas.

Dahil sa patuloy na digmaan, nananatili ang mga restriksyon sa malalaking pagtitipon, kaya’t isasagawa ang live streaming ng mga misa at panalangin upang makalahok ang mga mananampalataya sa buong mundo.

Nagpasalamat naman ang mga lider ng simbahan sa mga opisyal ng Israel, kabilang ang pangulo nito, gayundin sa iba’t ibang lider ng mundo na nagbigay ng agarang suporta upang matuguan ang usapin.

Binigyang-diin din ng mga religious leaders ang kahalagahan ng kalayaan sa pananampalataya, maging sa gitna ng kaguluhan, at ang pangangailangang mapanatili ang karapatan ng lahat na makapagsagawa ng pagsamba.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang simbahan sa mga awtoridad habang nananalangin para sa pagtatapos ng digmaan at pagkamit ng kapayapaan sa rehiyon.

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 19,900 total reads

 19,900 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 50,953 total reads

 50,953 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 111,450 total reads

 111,450 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 130,965 total reads

 130,965 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 211,619 total reads

 211,619 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 311,060 total reads

 311,060 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top