Love is repaid by love-Bishop Villarojo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 804 total reads

Ibinahagi ni Malolos Bishop Dennis Villarojo na ang kawanggawa ay kusang nagbabalik bilang biyaya ng Diyos.

Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng Bethany House of Sto. Niño Orphanage sa Guiguinto,Bulacan na isang tahanan na patuloy na kumakalinga sa mga batang nangangailangan ng aruga.

“Ang kawanggawa has a way of going back to us… because that’s the way grace goes,” ayon kay Bishop Villarojo.

Binigyang-diin ni Bishop Villarojo na ang pagpapadama ng pag-ibig sa kapwa ay gawaing kinalulugdan ng Diyos.

“Love is repaid by love… anuman ang pag-ibig na ginagawa natin sa kapwa, ito ay babalik sa atin bilang pag-ibig,” dagdag ng obispo.

Ayon naman kay Sr. Emeliana Bantigue, OP, executive directress ng institusyon, higit sa pisikal na pangangailangan ang dapat ibigay sa mga bata, lalo na sa mga murang edad na maituturing na formative years ng isang bata.

“Hindi lang pakainin at patirahin; kailangan ng bata ang pamilya… dahil ito ang bubuo sa kanyang pagkatao,” pahayag ni Sr. Bantigue sa Radyo Veritas.

Ibinahagi ng madre na makalipas ang apat na dekadang paglilingkod ng institusyon, mahigit isang daang bata na ang naipa ampon sa iba’t ibang bahagi ng mundo, partikular sa Amerika at Europa, bilang bahagi ng patuloy na misyon ng institusyon.

Sa kasalukuyan, may 22 batang inaaruga ang Bethany House, kung saan ang pinakabata ay isang pitong buwang gulang na sanggol, patunay na nagpapatuloy ang pangangailangan sa kalinga at proteksyon para sa mga musmos.

Itinatag ang institusyon noong March 30, 1986 ng yumaong obispo ng Malolos na si Bishop Cirilo Almario, na nagsimula sa walong batang ulila at inabandona ang inaaruga, at ipinagkatiwala sa pangangalaga ng Dominican Sisters of St. Joseph bilang isang child-caring institution ng diyosesis.

Layunin nitong magsilbing pansamantalang tahanan at kanlungan ng mga batang inabandona at pinabayaan sa mga lansangan, gayundin ng mga batang nagmula sa maralitang pamilya, kung saan bukod sa pangangailangang pisikal ay tinutugunan din ang kanilang sosyal, intelektwal at espiritwal na paghubog.

Mula sa simpleng pagkalinga, lumawak ang misyon ng Bethany House sa pagbibigay ng pangmatagalang solusyon sa pamamagitan ng adoption program na sinimulan noong 1999, upang matiyak na magkakaroon ng sariling pamilya ang mga bata.

Binigyang-diin din ni Sr. Bantigue na ang suporta sa Bethany House ay hindi lamang nananatili sa isang henerasyon, kaya’t lubos ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga donors at benefactors nito.

“Ang pagtulong ay naipapasa na rin sa susunod na henerasyon,” ani ng madre.

Hinimok ng madre ang publiko na makibahagi sa misyon ng institusyon at iginiit na ang pagbibigay ng pag-ibig at kalinga sa mga bata ay hindi lamang pagtugon sa kanilang pangangailangan kundi pakikibahagi sa patuloy na pagdaloy ng biyaya ng Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 69,528 total reads

 69,528 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 101,754 total reads

 101,754 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 203,580 total reads

 203,580 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 244,138 total reads

 244,138 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 261,763 total reads

 261,763 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top