We are anointed to bring the good news, Bishop Cañete sa mga pastol ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,283 total reads

Ibinahagi ni Gumaca Bishop Euginius Cañete na ang pagpapahid ng banal na langis, lalo na sa mga pastol ng simbahan, ay paalala ng malinaw na misyon ng bawat Kristiyano.

Sa kanyang homiliya sa pagdiriwang ng Misa ng Krisma sa Gumaca Cathedral, iginiit ng obispo na ang pagpapahid ng langis ay hindi lamang simbolo kundi isang pagtatalaga upang higit na maging kawangis ni Kristo at maglingkod sa kapwa, lalo na sa mga nangangailangan.

“We are anointed to bring good news to the poor… Hindi lang tayo mapuspos ng lakas mula sa Espiritu… kundi maging higit na katulad ni Kristo,” ayon kay Bishop Cañete.

Paliwanag ng obispo na ang banal na langis, lalo na ang Krisma, ay tanda ng pagkilos ng Espiritu Santo sa buhay ng mananampalataya, na nagbibigay ng lakas, paggaling at panibagong buhay sa gitna ng karamdaman at pagsubok.

“Para bagang isang bagong buhay ito para sa may sakit… hindi na takot kundi tiwala at pananampalataya,” dagdag ng obispo.

Sa kanyang mensahe sa mga pari ng diyosesis, binigyang-diin ng obispo ang kahalagahan ng pagiging malapit sa kawan sa gitna ng lumalalim na hamon ng panahon.

“Ang pari ay dapat malapit sa tao… marunong makibahagi sa karanasan ng paghihirap ng tao,” dagdag pa ni Bishop Cañete.

Hinimok din ng obispo ang kaparian na yakapin ang diwa ng pagiging sinodal at ng isang Simbahang nakikinig at nakikiisa sa bayan.

“Paring sinodal… hindi diktador, marunong makinig sa tao,” giit pa ng obispo.

Ayon kay Bishop Cañete, nagbabago ang kalagayan ng lipunan at nagiging mas komplikado ang misyon ng kaparian, lalo na sa mabilis na paglago ng teknolohiya, kaya’t kinakailangan ang patuloy na katapatan sa tawag ng Diyos at kakayahang tumugon sa “signs of the times.”
Kasabay ng Misa ng Krisma, muling pinagtibay ng mga pari ng diyosesis ang kanilang pangako sa paglilingkod na isang paanyaya hindi lamang sa kaparian kundi sa lahat ng binyagan na makibahagi sa misyon ni Kristo bilang pari, propeta at hari.

Church workers, hinamon ni Bishop Santos

 408 total reads

 408 total reads Hinamon ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga church workers na seryosohin ang kanilang papel bilang mga lingkod na tumatanggap sa mga deboto

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 57,275 total reads

 57,275 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 117,772 total reads

 117,772 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 136,999 total reads

 136,999 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 217,653 total reads

 217,653 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 316,772 total reads

 316,772 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top