Kaparian sa Diocese of Iba, hinimok ni Bishop Santos na isabuhay ang accompaniment sa paglilingkod

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,999 total reads

Nanawagan si Iba, Zambales Bishop Bartolome Santos sa mga pari na isabuhay ang “accompaniment” o tunay na pagsama sa kanilang paglilingkod, sa kanyang pagninilay sa ginanap na Chrism Mass sa Saint Augustine Cathedral Parish noong Martes Santo.

Ayon kay Bishop Santos, ang pagiging sinodal na pari ay nangangahulugang handang samahan ang bayan ng Diyos sa lahat ng pagkakataon—lalo na sa gitna ng hirap, pagdurusa, at pagkakasala.

Iginiit ng obispo na ang pagsama ay hindi lamang simpleng presensya, kundi pakikibahagi sa pinagdaraanan ng kapwa.

“Sapagkat noon pa man ay sinodal na ang Diyos-sumasama. Napakahalaga pong bahagi ng sinodality ang accompaniment… Bakit? Sapagkat ang Diyos, He accompanied His people since the beginning until the present time. Hindi niya po iniwanan ang kanyang bayan,” pahayag ni Bishop Santos.

Binigyang-diin ni Bishop Santos na tulad ni Hesus, ang pari ay tinatawagan na lumapit sa mga nasa laylayan—mga makasalanan, may sakit, at mga itinatakwil—at hindi matakot lumusong sa putikan upang iahon ang mga nangangailangan.

Paliwanag pa niya, ang ganitong uri ng pagsama ay maaaring maging mahirap, masakit, at nakakapagod, ngunit ito ang tunay na anyo ng pagmamahal at paglilingkod na inaasahan sa mga lingkod ng Simbahan.

Dagdag pa niya, ang biyaya ng langis na tinanggap sa ordinasyon ay paalala ng tungkulin ng mga pari na maglingkod sa mga nangangailangan.

“Ang mga may sakit, ang mga nangungulila, ang mga nahihirapan, ang mga nawawalan ng pag-asa, ang mga nalalayo na sa Diyos ay samahan nila… Let us walk together. Let us go with each other. Walang iiwanan. ‘Yun na nga ang bukambibig ng synodality—nobody will be left behind,” giit ni Bishop Santos.

Sa huli, hinimok ni Bishop Santos ang mga mananampalataya na ipanalangin ang mga obispo, pari, relihiyoso’t relihiyosa, at mga layko na nag-alay ng buhay sa paglilingkod sa Simbahan.

“Kung ang mga pari ay pagmamahal ng Diyos sa inyo, kayo din ay pag-ibig ng Diyos sa amin. Sama-sama po tayong maglakbay—umahon, umakyat, pumaroon—at sumamba sa Diyos na maawain at mapagmahal,” ayon kay Bishop Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 56,057 total reads

 56,057 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 116,554 total reads

 116,554 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 135,828 total reads

 135,828 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 216,482 total reads

 216,482 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 315,659 total reads

 315,659 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 64,614 total reads

 64,614 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top