Reflect, celebrate the passion, death and resurrection of Christ, panawagan ng CBCP sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,407 total reads

Hinimok ni Lipa Archbishop Gilbert Garcera, Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang mga mananampalataya na gawing makabuluhan ang pagdiriwang ng Semana Santa bilang panahon ng pagninilay, pagbabalik-loob, at pagkakaisa ng pamilya.

Ayon kay Archbishop Garcera, ang Semanta Santa o Holy Week ay taunang paggunita sa pagpapakasakit, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Hesukristo, na siyang sentro ng pananampalatayang Kristiyano.

Ipinaliwanag ng arsobispo na higit pa sa tradisyunal na pagdiriwang, ito ay pagkakataon para sa mga pamilya at komunidad na magsama-sama hindi lamang para sa reunion kundi upang manalangin, magnilay, at magbagong-buhay.

“The Holy Week celebration is our annual way of reflecting and celebrating the passion, death, and resurrection of Christ,” pahayag ni Archbishop Garcera.

Hinimok din niya ang mga mananampalataya na samantalahin ang linggong ito upang suriin ang mga sarili at kilalanin ang mga kasalanan laban sa Diyos na nagmamahal.

“I encourage you, my dear brothers and sisters, as we celebrate this Holy Week to make sure that we respond to a moment of reflection, a moment of conversion, and a moment of rejoicing because the Lord is alive in us,” ayon sa arsobispo.

Dagdag pa ni Archbishop Garcera, mahalaga ang sama-samang pananalangin ng pamilya, paglapit sa sakramento ng kumpisal, at pagtanggap sa Panginoong Hesukristo upang tunay na maranasan ang Kanyang presensya.

Umaasa ang arsobispo na sa pagtatapos ng mga Mahal na Araw, muling mabubuhay si Kristo sa puso ng bawat isa at sa mga pamayanan.

“I hope that during this week, it’s really a time for the family, praying together, going to confession, receiving the Lord, and making sure that at the end of this week, Christ is alive in our midst,” saad ni Archbishop Garcera.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 56,059 total reads

 56,059 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 116,556 total reads

 116,556 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 135,830 total reads

 135,830 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 216,484 total reads

 216,484 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 315,661 total reads

 315,661 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 64,615 total reads

 64,615 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top