12 Formators of the Word and Sacraments, huhugasan ang mga paa ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,964 total reads

Nakatakdang huhugasan ng paa ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang 12 “Formators of the Word and Sacraments” bilang bahagi ng pagdiriwang ng Huwebes Santo, Abril 2, 2026, ganap na alas-5 ng hapon sa Manila Cathedral.

Binubuo ang mga lalahok ng iba’t ibang lingkod ng Simbahan, mga pari, madre, katekista, lider ng Basic Ecclesial Communities, at mga laykong tagapagpahayag ng pananampalataya na kumakatawan sa patuloy na misyon ng Simbahan na magturo, maglingkod, at magpabanal ng sambayanan.

Pinili ang mga huhugasan ng paa mula sa isinagawang Manila Archdiocesan Ecclesial Assembly noong Pebrero 2026 na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagiging mapagkumbaba at mapaglingkod sa loob ng Simbahan, lalo na sa mga tinatawag na “formators” o gabay sa Salita at mga Sakramento.

Kabilang sa huhugasan ng paa ng Kardinal sina Fr. Carlo Magno Marcelo, Sr. Leysis Navarro, MSP, Ms. Rosalina Flores, Mr. Jomer Viteno, Ms. Glaiza Maria Magna, Ms. Nesie Dela Cruz, Ms. Isa Reyes, Mr. Arun Gogna, Mr. Jan Silan, Mr. Xavier Apostol, Mr. Noe Dora, at Mrs. Angela Silan.

Ang paghuhugas ng paa, na tinatawag ding Mandatum, ay hango sa ginawa ni Hesus sa Huling Hapunan kung saan hinugasan Niya ang paa ng Kanyang mga alagad bilang tanda ng sukdulang kababaang-loob at paglilingkod.

Sa turo ng Simbahan:
• Pagpapakumbaba – Ipinapakita na ang tunay na pinuno ay handang maglingkod, hindi maghari.
• Paglilingkod – Hinahamon ang bawat Kristiyano na unahin ang kapwa, lalo na ang higit na nangangailangan.
• Pag-ibig – Isinasabuhay ang utos ni Kristo na “mag-ibigan kayo gaya ng pag-ibig Ko sa inyo.”

Ang paghuhugas ng paa ay hindi lamang simbolikong gawain kundi paanyaya sa bawat mananampalataya na isabuhay ang diwa ng sakripisyo at malasakit sa araw-araw.

Matatandaang noong 2025, hinugasan din ni Cardinal Advincula ang paa ng mga indibidwal na sumasalamin sa pag-asa at pag-ibig sa gitna ng hamon ng lipunan patunay na ang Simbahan ay patuloy na kumikilala sa mga tahimik na lingkod ng pananampalataya.

Sa pagdiriwang ng Huwebes Santo, muling pinaaalalahanan ang mga mananampalataya na ang tunay na kadakilaan ay nasusukat sa kakayahang maglingkod, gaya ng ipinamalas ni Kristo.

Church workers, hinamon ni Bishop Santos

 1,199 total reads

 1,199 total reads Hinamon ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga church workers na seryosohin ang kanilang papel bilang mga lingkod na tumatanggap sa mga deboto

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 58,436 total reads

 58,436 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 118,932 total reads

 118,932 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 138,102 total reads

 138,102 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 218,756 total reads

 218,756 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 317,815 total reads

 317,815 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top