Ipagpatuloy ang ministeryo ng may katapatan, mensahe ni Pope Leo XIV kay Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,025 total reads

Hinikayat ng Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na ipagpatuloy ang kanyang ministeryo nang may katapatan at ganap na pagsunod sa tinig ni Kristo.

Ito ang mensahe ng santo papa sa pagdiriwang ng ika – 50 anibersaryo sa pagpapari at ika – 25 taon ng pagiging obispo ng cardinal ngayong 2026.

“We pray that, always listening to the voice of Christ, you may continue to fulfill your ministry in fidelity and obedience,” ayon sa mensahe ni Pope Leo XIV.

Kinilala rin ni Pope Leo ang pamumuno ni Cardinal Advincula sa Simbahan, partikular sa pangangalaga sa kaparian, paghuhubog ng mga seminarista, at pagpapatatag ng pagkakaisa ng mga mananampalataya.

“We reflect on your care for the clergy, the formation of seminarians, and the faithful entrusted to you, whom you have led commendably in unity.”

Binigyang-pugay din ng punong pastol ng Simbahang Katolika ang mahalagang papel ng Kardinal sa mas malawak na misyon ng Simbahan, kabilang ang kanyang paglilingkod sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at sa iba’t ibang tanggapan ng Apostolic See.

“Your diligent service in the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines and in various Dicasteries of the Apostolic See.”

Ipinagkaloob ng Santo Papa ang kanyang Apostolic Blessing hindi lamang sa Kardinal kundi maging sa kanyang mga katuwang sa ministeryo at sa buong sambayanan.

Ang mensahe ng Santo Papa ay patunay ng patuloy na pakikiisa ng Vatican sa Simbahan sa Pilipinas, lalo na sa pamumuno ni Cardinal Advincula na inaasahang magpapatuloy sa paggabay sa kawan ng Diyos sa diwa ng katapatan, pagkakaisa, at paglilingkod.

Si Cardinal Advincula ay inordinahang pari ng Archdiocese of Capiz noong April 14, 1976 habang naging obispo ng San Carlos noong September 8, 2001.

Binasa ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang mensahe ng santo papa para sa kardinal sa ginanap na Chrism Mass nitong Holy Thursday, April 2, sa Manila Cathedral.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 68,350 total reads

 68,350 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 100,624 total reads

 100,624 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 202,450 total reads

 202,450 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 243,008 total reads

 243,008 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 260,688 total reads

 260,688 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top