We have to face it to resolve it, Cardinal Advincula sa mental health crisis ng mga Pari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,366 total reads

Batid ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang lumalalim na hamon sa kalusugang pangkaisipan ng mga pari sa bansa.

Sa pagdiriwang ng Chrism Mass sa Manila Cathedral, kinilala ng kardinal ang mga pag-aaral hinggil sa kalagayang pangkalusugan ng mga pari at binigyang diin na hindi ito dapat na ipagwalang bahala.

“about 18% reported that they are psychologically distressed… almost one in every five priests is undergoing a mental difficulty or emotional burden. This is a concern we cannot ignore anymore and we have to face it to resolve it,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Ibinahagi rin nito na maraming pari ang nakararanas ng depresyon, pagkabalisa, pag-iisa, at matinding pagkapagod sa ministeryo.

Sa kanyang pagninilay, hinimok ng Kardinal ang kaparian na harapin ang kanilang pinagdaraanan at huwag itago ang nararamdaman.

“The danger is not that we grow tired but that we refuse to recognize it… what is not offered to God cannot be healed,” paliwanag ni Cardinal Advincula.

Binigyang-diin din ng pastol na mahalaga ang ugnayan at pakikipagkapwa sa kapwa pari upang malampasan ang mga pagsubok.

“In the priesthood, isolation can drain us, but communion will sustain us and heal us,” aniya.

Kasabay nito, pinaalalahanan ng Kardinal ang kaparian na hindi nakabatay sa gawain ang kanilang pagkakakilanlan kundi sa kanilang bokasyon bilang mga lingkod ng Diyos.

Hiniling ni Cardinal Advincula ang panalangin ng mananampalataya para sa kaparian.

“Umaasa kami sa mga panalangin ninyo upang mapabuti kaming mga pari ninyo habang kami ay naglilingkod sa inyo,” panawagan ng arsobispo sa mga mananampalataya.

Kasama ni Cardinal Advincula sa pagdiriwang sina Papal Nuncio to the Philipines Archbishop Charles Brown, Archbishop Emeritus Cardinal Gaudencio Rosales, at mga pari ng arkidiyosesis.

Kinilalala sa pagdiriwang ang mga jubilarian priests ng arkidiyosesis kabilang na si Cardinal Advincula sa kanyang ika – 50 anibersaryo ng pagkapari, ika – 25 anibersaryo ng pagiging obispo.

Kinilala rin si Cardinal Rosales sa kanyang mahigit anim na dekadang ministeryo at pagiging pastol ng simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 113,567 total reads

 113,567 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 198,951 total reads

 198,951 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 262,789 total reads

 262,789 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 343,164 total reads

 343,164 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 420,752 total reads

 420,752 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top