Bishop Santos, humiling ng panalangin sa matagumpay na pilgrimage ng mga pari sa Europa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,149 total reads

Hinikayat ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mananampalataya na patuloy na ipanalangin ang matagumpay at ligtas na pilgrimage ng mga pari sa mga simbahan sa Europa.

Ayon sa obispo, isang mahalagang yugto ito sa buhay ng lokal na Simbahan kasunod ng pagdiriwang ng Jubilee Year sa paggunita ng ika-400 anibersaryo ng pagdating ng Mahal na Birhen ng Antipolo sa Pilipinas at ika-100 anibersaryo ng canonical coronation.

Sinabi ni Bishop Santos na ito rin ay bahagi ng espirituwal na pagninilay at panibagong lakas sa paglilingkod ng mga pastol ng diyosesis.

“Now, it is the turn of your priests—your spiritual fathers—to embark on a pilgrimage of prayer and renewal,” ayon sa pahayag ni Bishop Santos.

Dagdag pa niya, ang paglalakbay patungong Portugal, Spain, France, at Italy ay matagal nang pinaghahandaan kung saan kabilang sa mga nakahanay na gawain ay pagdiriwang ng Banal na Misa sa iba’t ibang dambana ng Mahal na Birheng Maria at pakikipagtagpo sa Santo Papa.

Sa kabila nito, kinilala ng obispo ang pangamba dulot ng kaguluhan sa mundo, bagama’t tiniyak nitong magpapatuloy ang kanilang plano nang may pag-iingat at pananampalataya.

“We are aware that the recent events in the Middle East have caused anxiety and uncertainty. These realities weigh heavily on our hearts as well… Yet, with prudence, faith, and the guidance of those assisting us, we continue to prepare for this pilgrimage that has long been set in motion,” ayon sa obispo.

Hiling ng obispo ang panalangin ng mga mananampalataya hindi lamang para sa kanilang kaligtasan kundi para sa kapayapaan ng buong mundo.

“We humbly ask for your prayers—for our safety, for peace in the world, and for the grace to return renewed in spirit,” saad pa ni Bishop Santos.

Tiniyak ni Santos ang kanilang espirituwal na pakikiisa sa mga mananampalataya sa pag-aalay ng kanilang mga intensyon sa mga pagdiriwang ng banal na misa.

Umaasa ang obispo na ang nasabing pilgrimage ay magdudulot ng panibagong sigla sa bokasyon ng mga pari.

“May this Marian pilgrimage refresh our hearts, deepen our priestly commitment, and strengthen us for renewed service to you, our beloved people of God,” ayon kay Bishop Santos.

Ang unang pangkat ay kasalukuyang nasa pilgrimage mula pa noong April 7 hanggang 23 habang ang ikalawang pangkat naman ay nakatakda sa May 12 hanggang 18.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 32,430 total reads

 32,430 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 69,122 total reads

 69,122 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 87,333 total reads

 87,333 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 171,661 total reads

 171,661 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 207,578 total reads

 207,578 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 4,349 total reads

 4,349 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top