Bishop Evangelista, nakiisa sa mga migranteng Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,774 total reads

Nakikiisa si Imus Bishop Reynaldo Evangelista sa mga migranteng Pilipino na apektado ng umiiral na sigalot sa Gitnang Silangan.

Sa kanyang liham sirkular, batid ng obispo ang hirap na dinaranas ng mga migrante sa ibayong-dagat, kaya’t tiniyak nito ang pagpapaigting sa pagkalinga ng kanilang hanay.

“Mindful of the ongoing conflict in the Middle East and its profound impact on our migrant brothers and sisters, the Ministri sa mga Migrante of the Diocese of Imus enjoins all parishes and religious communities to intensify pastoral care and solidarity for them and their families at home,” ayon sa sirkular ni Bishop Evangelista.

Binigyang-diin ni Bishop Evangelista na ang pinagdaraanan ng mga migranteng Pilipino ay paalala ng mas malalim na sugat ng karahasan sa mundo.

“What they endure reminds us of the effects of violence and our constant need for the Lord’s gift of forgiveness, transformation, and peace,” ayon sa obispo.

Kaugnay nito, hinimok ng obispo ang lahat ng parokya na magkaisa sa panalangin at konkretong suporta sa mga apektadong OFW.

“I encourage all parishes to offer Mass intentions, prayers, and pastoral accompaniment for our migrants and their families, especially those affected by this crisis,” giit ni Bishop Evangelista.

Bilang tanda ng pakikiisa ng buong diyosesis, ipapanalangin sa lahat ng misa ang panalangin para sa mga migranteng nasa krisis.

Sa gitna ng patuloy na kaguluhan, iginiit ng obispo ang paninindigan ng diyosesis na samahan sa panalangin at patuloy na kalingain ang mga migranteng Pilipino at kanilang mga pamilya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 50,034 total reads

 50,034 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 129,702 total reads

 129,702 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 163,149 total reads

 163,149 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 198,447 total reads

 198,447 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 423,003 total reads

 423,003 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top