Veritas Senior Political Advisor, tiwalang magtatagumpay ang peacetalks sa CPP-NPA-NDF.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 477 total views

Positibo si Veritas 846 Senior Political Advisor Prof. Ramon Casiple – Executive Director ng Institute for Political and Electoral Reform na mas magiging makabuluhan na ang pagpapatuloy ng 4th round ng usapang pangkapayapaan matapos ang naging kontrobersyal na pagkakasuspendi dito.

Ayon kay Casiple, dahil sa matatag na posisyon ng pamahalaan sa pagpapatupad ng ceasefire o tigil putukan na nilabag ng rebeldeng grupo sa mga naganap na pag-atake sa iba’t ibang lalawigan ay naipaabot nito ang matatag na posisyon sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan sa bansa.

“Ang tingin ko ang government is consistent sa stand niya.Then it came out na ang compelling reason pala ni Presidente ay pumayag na kayo sa ceasefire kasi kung ayaw niyong pumayag sa bilateral ceasefire ay wala na, eh pumayag sila kaya natuloy ang 4th round on that basis.”pahayag ni Casiple sa panayam sa Radio Veritas.

Nakahanda na sa ika-2 hanggang ika-6 ng Abril ang 4th round ng peace talks ng pamahalaan at ng CPP-NPA-NDF panels sa The Netherlands na inaasahang tututok sa usapin ng social and economic reforms at mas mahigpit na bilateral ceasefire agreement ng magkabilang panig.

Sa kasalukuyan, nireresolba ng government at cpp-npa-ndf peace panel ang demand ng rebeldeng grupo na libreng land distribution na kapaloob sa kanilang panukalag Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms(CASER).

Kaugnay nito, naitala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nasa 62-pag-atake na inilunsad ng grupong New Peoples Army na patuloy na nagsasagawa ng mga pagkilos partikular na sa Agusan del Norte at North Cotabato.

Magugunitang una na ng binigyang diin ng Simbahang Katolika na ang usapin ng kapayapaan at pagkakaisa ay dapat na gawing prayoridad maging sa kabila ng pagkakaiba-iba ng paniniwala at pananampalataya ng bawat isa.

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 4,310 total views

Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey.

Bibisitahin ng Santo Papa ang Paris, Saint-Denis, Lourdes at Metz at makikipagkita sa mga opisyal ng pamahalaan, kabataan, mga obispo, maysakit, migranteng nangangailangan ng tulong at mga relihiyoso.

Sa Paris, makikipagkita ang pinunong pastol kay French President Emmanuel Macron at bibisita sa UNESCO. Pangungunahan din ng Santo Papa ang panalangin kasama ang mga kabataan sa Stade de France.

Sa Lourdes, dadalo rin ang pinunong pastol sa mga gawain para sa mga maysakit at pilgrims at pangungunahan ang Banal na Misa at Rosary procession.

Sa Metz naman, lalahok si Pope Leo sa inter-religious meeting na nakatuon sa kapayapaan at pagkakaisa ng Europe bago bumalik sa Rome.

Nakatakda ring makipagkita ang Santo Papa sa ilang survivors ng pang-aabuso ng ilang lingkod ng simbahan France.

Tema ng pagdalaw ang “That the world may have life,” na nakatuon sa pag-asa, pagkakaisa, kapayapaan at pagkakapatiran.

Ang pagbisita ni Pope Leo XIV ang magiging unang opisyal na state visit ng isang Santo Papa sa France mula nang bumisita si Pope Benedict XVI noong 2008.

Sambayanang Pilipino, hinikayat na subaybayan ang impeachment trial ni VP Duterte

 4,415 total views

Muling hinikayat ng Prosecution Panel ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng programang Veritasan ng Radyo Veritas kay Prosecution Spokesperson at Adviser Robert Barbers, sa pamamagitan ng panood sa paglilitis sa Bise Presidente ay makikita ng publiko kung dapat pa bang pagtiwalaan ang pangalawang pangulo base sa mga ebidensyang inilalahad ng prosekusyon, gayundin ang mga ebidenyang ipapakita ng depensa.

Bukod kay VP Duterte, sinabi rin ni Barbers na dito rin makikita ang mga pulitiko o indibidwal na naging bahagi ng paglilitis na kung sila ay naging makatotohanan, patas at makatarungan.

“Kung maari ay sumubaybay sila sa usaping ito, dahil dito mabubuo yung kanilang opinyon tungkol sa pagsuporta sa 2028 ng mga kandidato. Hindi lamang po ng ating pangalawang pangulo kung siya po ay tutuloy bilang kandidato pagka-presidente, titingnan din muna natin sino ba yung mga senador na ika nga eh reliable pa o kaya yung paninindigan sa katotohanan. Yun ang tingnan natin,” ayon kay Barbers.

Bago pa ang paglilitis una na ring nagpahayag si VD Duterte ng kanyang intensyon sa pagtakbo sa pangpanguluhan sa nakatakdang halalan sa 2028.

Dagdag pa ni Barbers, “Ang basehan po natin sa pagpili ng ating mga leader sa 2028 ay yung number one ay integridad. Yung kanyang integridad, siya ba ay na-involve sa isang usapin tungkol sa pandarambong? O yung ating bang leader na pipiliin eh meron bang kredibilidad yan na nagsabing ngayon tapos bukas dineny o nagsisinungaling na hindi daw nasabi? Yung mga ganung punto, dapat itong balansin mabuti ng ating mga kababayan kung ano ang katangiang hahanapin natin sa susunod na halalan.”

Iginiit ng dating mambabatas ng Surigao del Norte na dapat maging pangunahing batayan sa pagpili ng mga lider ang integridad, kredibilidad at paninindigan sa katotohanan.

Gayunman, ang magiging hatol sa impeachment trial ay nasa mga Senator-Judge, habang ang magiging pasya ng mga botante sa 2028 ay nakasalalay sa kanilang sariling pagsusuri sa mga kandidato at sa kanilang mga plataporma at rekord.

Sa susunod na linggo, ay magpapatuloy ang prosecution sa paglalahad ng mga ebidensya at testigo kaugnay sa article 1 ng articles of impeachment kung saan tinatayang may apat na testigo ang ihaharap sa buong linggo ng paglilitis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 61,383 total views

 61,383 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 132,019 total views

 132,019 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 163,301 total views

 163,301 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 195,316 total views

 195,316 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 344,346 total views

 344,346 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV, balik Vatican na

 6,870 total views

 6,870 total views Nagbalik na sa Vatican ang Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV matapos ang ilang linggong pamamahinga sa Castel Gandolfo, na summer residence ng mga

Read More »
Scroll to Top