Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Dagdag singil sa tubig, ibinasura ng MWSS.

SHARE THE TRUTH

 271 total views

Hinarang ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang nakaambang dagdag singil sa tubig dahil sa pagbaba ng Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA) o palitan ng piso kontra dolyar, pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Ayon kay Manila Water Incorporated Corporate Communications Head Jeric Sevilla, ang pagbabago ng F-C-D-A sa mga nakalipas na taon ang nagtulak sa mga water companies na magtaas ng singil.

“Lahat ng mga loans ng MWSS ay minana natin, tayo po ang nagbabayad nito at kung matatandaan natin noong 1997 na nagsimula tayo, ang palitan lang piso at dolyar ay 1 dollar is to 26.30 pesos, ngayon pumapalo na yung dolyar sa 50-pesos so yung mga covenant na pinasok ng MWSS noon kumbaga nag-fluctuate din ang foreign exchange,” ani Sevilla.

Kamakailan lang ay naghain ang Manila Water ng ng P0.37 per cubic meter na dagdag singil habang P0.79 per cubic meter naman sa Maynilad ngunit hindi ito naisakatuparan noong April 1 dahil kasalukuyan itong pinag-aralan ng bagong board ng MWSS sapagkat maraming ordinaryong consumer ang maaapektuhan ng nakaambang pagtaas ng singil sa tubig.

Kaugnay nito, nagbigay si Sevilla ng tips sa mga consumer kung paano makatitipid ng tubig kabilang na ang pagrereport ng anumang tagas ng tubo at ilegal na koneksyon gayundin ang mahigpit na pagsasara ng mga gripo at pagtitiyak na walang pumapatak ditto.

Sa kasalukuyan ay nasa 202 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam o tinatayang anim na metro na mas mataas sa rule curve nito.

Ayon sa Manila Water, 97-porsiyento ng supply ng tubig sa Metro Manila ay nanggagaling sa Angat Dam kung saan umaasa rito ang 15,000,000 indibidwal.

Sa panlipunang katuruan ng simbahan, kapag nakalimot tayo na lahat ay mula sa Kanya at naabuso natin ang lahat ng Kanyang nilikha ay nangangahulugan ito ng ating pagkalayo sa Panginoon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Awa at hustisya

 11,732 total views

 11,732 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Hanggang saan aabot ang ₱500 mo?

 51,443 total views

 51,443 total views Mga Kapanalig, bahagi na ng kulturang Pilipino tuwing Pasko ang noche buena. Naghahanda tayo ng espesyal na pagkain—kahit simple lang—para ipagdiwang ang kapanganakan

Read More »

PORK BARREL

 112,148 total views

 112,148 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 124,497 total views

 124,497 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Sakramento ng kasal

 146,879 total views

 146,879 total views Mga Kapanalig, paunti raw nang paunti ang mga nagpapakasal sa ating bansa. Iniulat ito noong isang linggo ng Philippine Statistics Authority (o PSA).

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 92,358 total views

 92,358 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 198,625 total views

 198,625 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 224,439 total views

 224,439 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 236,000 total views

 236,000 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top