Bishop Alminaza, nagpahayag ng dalamhati sa sagupaan ng military at NPA sa Negros Occidental

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,018 total reads

Nagpahayag ng dalamhati at panawagan sa kapayapaan si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza kasunod ng naganap na engkwentro sa Toboso, Negros Occidental sa pagitan ng pwersa ng pamahalaan at mga kasapi ng New People’s Army.

Sa isinapublikong pastoral pahayag ng Obispo na pinamagatang “Blessed Are the Peacemakers” (Mt 5:9) ay inihayag ni Bishop Alminaza ang pakikiramay sa lahat ng nasawi sa magkabilang panig.

Ipinaliwanag ng Obispo na ang bawat kamatayan maging anuman ang panig o partidong kinabibilangan ay maituturing na sugat hindi lamang para sa pamilyang naiwan kundi maging sa Simbahan.

“With hearts weighed down by sorrow, we receive the news of the armed encounter between the government security forces and members of the New People’s Army in Toboso, where lives were taken, and many families have been plunged into grief. We mourn all who have died, regardless of political affiliation. For every life lost is a child of God, known and loved by Him. Every death wounds not only a family, but the whole Body of Christ.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza.

Inilarawan din ng Obispo na siya ring pangulo ng Caritas Philippines ang insidente bilang isang ‘cry of lament’, kung saan tinukoy ang mga buhay na nawala, pagdurusa ng mga naulila, takot at kawalang-katiyakan na bumabalot sa mga komunidad.

Iginiit din ni Bishop Alminaza na hindi dapat maging normal ang karahasan at hindi rin dapat na hayaan na mamayani ang pagsasawalang bahala sa buhay ng kapwa.

“We cannot accept this as normal. We cannot allow ourselves to grow indifferent to the taking of human life,” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Ayon sa Obispo, ang karahasan ay bunga ng mas malalalim na suliranin tulad ng kahirapan, kawalan ng katarungan, at pagkasira ng tiwala sa mga institusyon ng pamahalaan.

Paliwanag ni Bishop Alminaza hindi lamang ang putok ng baril o mga armas ang nadidinig ng Simbahan kundi maging ang mga hinaing ng mamamayan.

“Violence does not arise in a vacuum. It takes root where wounds have long been left unattended—where poverty persists, where injustice is endured, where trust between people and institutions has been broken, and where hope in peaceful change has slowly faded. As Church, we are called to listen—not only to the sound of gunfire, but to the deeper cries of pain, frustration, and longing that lie beneath it.” Ayon pa kay Bishop Alminaza.

Muli ring iginiit ni Bishop Alminaza ang paninindigan ng Simbahan na ang karahasan ay hindi magdudulot ng pangmatagalang kapayapaan, sa halip ay mas dapat na tahakin ang landas ng tunay na kapayapaan na nakaugat sa katarungan at dignidad ng tao.

Nanawagan din ang Obispo sa iba’t ibang sektor ng lipunan kabilang ang mga armadong grupo, pamahalaan, at mga lokal na lider na piliin ang diyalogo sa halip na dahas at tugunan ang mga ugat ng tunggalian para sa kapakanan ng mas nakaraaraming mamamayan.

Hinimok din ni Bishop Alminaza ang mga komunidad na huwag panghinaan ng loob at manatiling instrumento ng kapayapaan sa kanilang mga tahanan at pamayanan.
Tiniyak din ng Obispo na patuloy na sasamahan ng Simbahan ang mga biktima ng karahasan at magsusulong ng katarungan at pagkakasundo.

“As your shepherd, I assure you: The Church does not stand apart from your suffering. We walk with you,” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Samantala, nanawagan din ang Obispo ng panalangin para sa mga nasawi, sugatan, at mga pamilyang nagdadalamhati, at hiniling ang pamamagitan ng Mahal na Inang Maria bilang Reyna ng Kapayapaan para sa patuloy na kapayapaan at kaayusan ng lalawigan ng Negros.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 42,209 total reads

 42,209 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 92,341 total reads

 92,341 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 140,212 total reads

 140,212 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 244,161 total reads

 244,161 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 328,100 total reads

 328,100 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top