Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,236 total views

Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag!

Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na inihain laban kay Vice President Sarah Duterte na ang pamilya ay mga “drug lord protector”.

Sa impeachment hearing, inilahad ni dating Senador Antonio Trillanes IV na ang pamilya Duterte ay tumanggap ng P181.6 million (protection money) mula sa pinaghihinalaang drug lord na si Samuel “Sammy” Uy, na kilalang business partner ni Michael Yang na nasangkot sa Pharmally Pharmaceutical Corporation at POGO scandals mula 2011-2013 sa pamamagitan ng cashier at personal check.

Para patunayang nagsasabi si Trillanes ng totoo, ipinakita nito ang bank transactions na si Vice President Sara Duterte ng P22.32 million-piso na kinabibilangan ng tatlong bank transactions. Si Davao City Mayor Sebastian Duterte ay tumanggap ng P51.58 million piso sa loob ng limang transactions. Si Davao City 1st District Representative Paolo Duterte ay P38.81 million-piso ang inilagak sa kanyang bank account. Maging si Honeylet Avanceña and Kitty Duterte ay nagkamal din ng P53.28 million habang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nahaharap ngayon sa kasong crime against humanity sa The Hague, Netherlands ay tumanggap ng P15.66 million piso. Ang milyunes na drug money ay mula lahat kay Uy.

Totoo ba ito Kapanalig? Sa impeachment hearing, kinumpirma ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na tumanggap sila ng report mula sa mga bangko na mayroong dalawang (2) bank transaction sa account ni VP Duterte mula kay Uy na nagkakahalaga ng 14.8-milyong piso noong 2011-2012.

Sinasabi ni Trillanes na “drug partners” ang dating pangulong Duterte noong ito’y alkalde ng Davao, Michael Yang at Sammy Uy.

Kapani-paniwala ba o hindi ang alegasyon sa pamilyang Duterte?

Kapanalig, kinumpirma din ng AMLC na mayroong kuwestiyunable at kaduda-dudang bank transaction na pumasok sa bank accounts nina VP Duterte at asawang si Mans Carpio na nagkakahalaga ng 6.7-bilyong piso mula 2006 hanggang taong 2025.

Ayon sa AMLC, kabilang ang 230.87-milyong pisong bank transaction o cash deposits mula 2019 hanggang 2014 na hindi idineklara ni VP Sara sa kanyang Statements of Assets of Liabilities and Network o SALNs.

Kapanalig, bakit mayroong bilyun-bilyong piso na pumapasok sa bank accounts ng pamilya Duterte? Saan ito kinukuha? Para saan ang napakalaking halaga ng salapi? Anong klaseng negosyo mayroon ang pamilya Duterte, Michael Yang at Sammy Uy?

Kapanalig, noong pumasok sa pulitika si VP Sara noong 2007; ang kanyang networth ay 7.25-milyong piso. Taong 2025, lumobo ito sa 6.7-bilyong piso. Napakaganda palang propesyon ang pulitika?

Kapanalig, ipinapaalala ng “1 Timothy 6:10– “For the love of money is the root of all kinds of evil. And some people, craving money, have wandered from the true faith and pierced themselves with many sorrows.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 3,231 total views

 3,231 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 25,237 total views

 25,237 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 49,578 total views

 49,578 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 73,823 total views

 73,823 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 109,456 total views

 109,456 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAG-ASA

 3,232 total views

 3,232 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 49,579 total views

 49,579 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 73,824 total views

 73,824 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 109,457 total views

 109,457 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »
Scroll to Top