Diocese of Antipolo, nanawagan ng pakikiisa sa taunang pilgrimage season ng Our Lady of Peace and Good Voyage

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,128 total reads

Inaanyayahan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mananampalataya na makibahagi sa taunang pilgrimage season sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage at tanggapin ang plenary indulgence na ipinagkaloob ng Simbahan.

Kasabay ng tradisyunal na “pag-ahon” noong May 5, sa kapistahan ng Mahal na Birhen ng Antipolo, pormal na binuksan ng obispo ang tatlong buwang panahon ng debosyon at panalangin.

“Tayo na sa Antipolo, sama-sama tayong manalangin, magsimba at magparangal sa ating Mahal na Ina,” pahayag ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Ayon sa obispo, ang mga debotong makikibahagi sa mga pagdiriwang, kabilang ang Banal na Misa at mga debosyon, ay maaaring tumanggap ng plenary indulgence alinsunod sa karaniwang kondisyon ng Simbahan.

Isinasagawa ang pilgrimage season mula unang Martes ng Mayo hanggang unang Martes ng Hulyo, na tampok ang nobenaryo at mga prusisyon. Pangungunahan ito ng iba’t ibang obispo mula sa buong bansa, patunay sa pambansang kahalagahan ng debosyon sa Mahal na Birhen ng Antipolo.

Kabilang sa mga inaasahang magdiriwang ng Misa sina Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, at Archbishop Charles Brown na mangunguna sa pagtatapos ng pilgrimage season.

Inihayag din ni Bishop Santos na tampok sa pagdiriwang ngayong taon ang ika-400 anibersaryo ng pagdating ng imahe ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje sa Pilipinas at ang ika-100 taon ng canonical coronation nito, kung saan maglalabas din ng commemorative stamps sa July 7 bilang paggunita sa mga mahalagang selebrasyon.

Sa kanyang homiliya, binigyang-diin ng obispo na ang debosyon sa Mahal na Birheng Maria ay dapat maglapit sa mga mananampalataya kay Hesus.

“Ang lahat ng ginawa ng mahal na Birheng Maria ay hindi para sa kanyang sarili datapuwa’t upang mailapit tayo sa Diyos,” ani Bishop Santos.

Ibinahagi rin ng pastol ang tatlong aral mula sa buhay ng Mahal na Birhen: “Kababaang-loob. Katapatan. Kabutihan.”

Binigyang-diin ng obispo na ang lahat ng tinatamasa ng tao ay mula sa Diyos at dapat gamitin nang may pananagutan.

Tayo lamang ay katiwala ng Diyos dito sa lupa. Ang lahat ng sa atin ay pahiram lamang ng Diyos,” aniya.

Hinimok din niya ang mga mananampalataya na manatiling tapat sa kanilang mga pangako at sumunod sa kalooban ng Diyos, tulad ng tugon ni Maria na “Mangyari sa akin ang iyong sinabi.”

Para kay Bishop Santos, ang pag-ahon sa Antipolo ay hindi lamang pisikal na paglalakbay kundi isang espirituwal na pagpapalalim ng pananampalataya.
“Ang lahat ng kanyang ginawa at ipinakita, sinabi o naging habilin ay nararapat lamang na maghahatid sa atin upang si Jesus ay ating makilala nang lubusan, mamahalin natin nang labis, at magbubunsod sa atin na si Jesus ay mapaglingkuran nang higit,” ani ng obispo.

Muling inaanyayahan ng obispo ang mga deboto na dumalaw sa international shrine at makiisa sa mga mahahalagang pagdiriwang sa malalim na debosyon ng mga Pilipino sa Mahal na Birheng Maria, Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 6,179 total reads

 6,179 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 17,703 total reads

 17,703 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 89,739 total reads

 89,739 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 176,240 total reads

 176,240 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 219,274 total reads

 219,274 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 268,211 total reads

 268,211 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top