Walang natural disaster

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 191,187 total reads

Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito! 

Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang matinding taas ng heat index o damang init. May mga lugar na umaabot na ang heat index sa “danger level” na maaaring magdulot ng heat cramps, exhaustion, o heat stroke.

Ang mataas na heat index ay hindi lamang simpleng init. Kombinasyon ito ng temperatura at humidity o halumigmig na nagbibigay ng mas matinding epekto sa katawan. Magkaiba kasi ang aktwal na temperatura at ang init na nararamdaman ng ating katawan. Kapag mataas ang humidity, mabagal sumingaw ang pawis mula sa balat, kaya hindi nakakabawas ng init ang katawan. Dahil dito, nananatiling mataas ang nararamdamang temperatura. Ang danger level ay tumutukoy sa heat index na nasa pagitan ng 42°C hanggang 51°C. Kapag hindi agad nakapagpalamig o nakainom ng sapat na tubig ang isang tao, maaari itong magdulot ng pagkahilo, pagsusuka, at pagkawala ng malay. Lalo itong delikado sa mga bata, matatanda, at mga manggagawang bilad sa araw.

Kaugnay nito, isinusulong ng United Nations Office for Disaster Risk Reduction ang kampanyang #NoNaturalDisasters, isang panawagan na baguhin ang pananaw natin sa mga sakuna. Ayon sa kanila, hindi talaga “natural” ang mga sakuna. Ang mga hazard katulad ng matinding init ay nagiging disaster dahil sa kakulangan ng paghahanda, maling desisyon, at kapabayaan ng tao. Samakatuwid, dapat tingnan ang lahat ng sakuna bilang man-made. 

Tama naman ito. Ang init ng panahon ay hindi natin maiiwasan, pero maiiwasan nating humantong ito sa disaster. Kailangan ng sapat na aksyon at paghahanda.

Ang pamahalaan ang unang dapat pinakahanda, pero sa tuwing tumataas ang heat index, paalala ng pag-iingat lamang ang ibinibigay nito. Nasaan ang mga polisiya para sa heat protection ng mamamayan, maayos na pampublikong transportasyon na hindi parang niluluto ka sa init, o mga programang tutulong sa mga manggagawang nagtatrabaho sa ilalim ng síkat ng araw? Bakit kikilos lang tayo kapag nandyan na ang problema?

Tandaan din nating ang matinding init na ito ay bahagi ng mas malawak na krisis sa klima. Habang patuloy ang pagsira sa kalikasan at kakulangan sa pangmatagalang plano, lalong tumitindi ang epekto ng climate change sa pang-araw-araw nating buhay. At sino ang unang naaapektuhan? Hindi ang mga nasa komportableng opisina o may kakayahang magpalamig ng kanilang tahanan, kundi ang mga ordinaryong mamamayan—mga commuter na nakabilad sa pila, mga trabahador, delivery rider, tindera sa kalsada, mga magsasaka at mangingisda. Sa gitna pa ito ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, pamasahe, at iba pang pangangailangan. Kawawa talaga ang mga ordinaryong mamamayan! 

Bilang mga indibidwal, may magagawa tayo: uminom ng sapat na tubig, umiwas sa matinding init kung maaari, magsuot ng preskong damit, at alagaan ang ating kalusugan. Pero dapat din nating igiit ang ating karapatan sa isang ligtas at maayos na kapaligiran, lalo na’t ang ganitong klase ng init ay nagiging “new normal” na.

Mga Kapanalig, tinatawag ng Mateo 20:26 ang mga nasa kapangyarihan na “maglingkod sa kapwa.” Mariin ding itinuro ni Pope Francis na ang tunay na lider ay nangunguna  sa pagkilos para sa pangangalaga at pagprotekta sa sangnilikha. Sa hirap ng buhay ngayon, ang init ng panahon ay hindi lamang dapat tiisin. Ito ay dapat paghandaan at tugunan. Walang ibang makakapasan ng pananagutan kundi ang mga inatasang manguna sa pagprotekta sa mga mamamayan. Huwag naman sanang hayaan ng pamahalaan na tinitiis na lamang ng mga mamamayan ang matinding init para lamang makaraos at makaipon ng kakarampot na kikitain sa araw-araw. Huwag na sanang hintaying maging sakuna ang mga nagbabadyang panganib sa ating paligid.

Sumainyo ang katotohanan.

 

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 5,935 total reads

 5,935 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 17,327 total reads

 17,327 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 89,412 total reads

 89,412 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 175,913 total reads

 175,913 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 218,947 total reads

 218,947 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 267,902 total reads

 267,902 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 17,328 total reads

 17,328 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 89,413 total reads

 89,413 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 175,914 total reads

 175,914 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 218,948 total reads

 218,948 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »
Scroll to Top