Angat Kalikasan Pilipinas, umaapela ng suporta sa “Nostalgia benefit gig”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,403 total reads

Umapela ng suporta ang Angat Kalikasan Pilipinas para sa isasagawang “Nostalgia” benefit gig na nakatuon sa legal na laban ng mga katutubong Ati sa Boracay Island para sa kanilang lupang ninuno.

Tampok ang fundraising concert sa pagdiriwang ng ikaapat na anibersaryo ng organisasyon kung saan bibigyang-pansin ang patuloy na pakikibaka ng komunidad ng Ati sa usapin ng kanilang ancestral land.

“Our focus remains firmly on the Ati Legal Defense Fund. This milestone serves as a vital platform to amplify the voices of the Ati community in Boracay and provide the legal support they need to defend their ancestral lands,” ayon sa pahayag ng Angat Kalikasan Pilipinas.

Ayon sa grupo, layunin ng aktibidad na mapalakas ang kampanya para sa karapatan ng mga Ati at matulungan silang ipagtanggol ang kanilang lupang ninuno sa pamamagitan ng legal na suporta.

Binigyang-diin din ng organisasyon na 100 porsyento ng malilikom mula sa ticket sales ng konsiyerto ay direktang ilalaan sa Ati Legal Defense Fund.

Ipinaliwanag ng grupo na sagot na ng kanilang mga donor, partner companies, at sponsors ang lahat ng production expenses ng aktibidad, kaya’t buong kita mula sa ticket sales ay mapupunta sa komunidad ng Ati.

Ayon pa sa Angat Kalikasan Pilipinas, ang pagbili ng ticket ay hindi lamang pagsuporta sa isang musical event kundi pakikiisa rin sa laban para sa katarungan ng mga Ati.

Isasagawa ang “Nostalgia” sa May 16 sa Street Kohi sa 24 Mayaman Street, Diliman, Quezon City.

Magbubukas ang gate sa alas-4 ng hapon habang magsisimula ang pagtatanghal sa alas-5:30 ng hapon.

Nagkakahalaga ng P1,500 ang VIP ticket habang P699 naman ang general admission.

Kabilang sa mga magtatanghal sina Joey Ayala, Munimuni, Kontra-Gapi, Hey Moonshine, Abztract, Equation Crisis, at Kathaleya.

Nanawagan naman ang organisasyon sa publiko na makiisa sa fundraising campaign upang mas mapalawak ang tulong para sa mga Ati na patuloy na humaharap sa usapin ng kanilang lupaing ninuno sa Boracay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 21,275 total reads

 21,275 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 57,974 total reads

 57,974 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 111,809 total reads

 111,809 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 174,430 total reads

 174,430 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 242,184 total reads

 242,184 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top