OCD, nababahala sa kawalang katarungan sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 536 total views

Nanindigan ang Order of Discalced Carmelites (OCD) – Philippine Province of St. Teresa of Jesus na hindi makakamit ang tunay na kapayapaan at pagkakaisa sa bansa kung walang katarungan, katotohanan, at pananagutan sa gitna ng umiiral na krisis pampulitika at moral sa Pilipinas.

Sa pahayag ng kongregasyon sa pamumuno ni Provincial Superior Fr. Joey Maborrang, OCD, lubhang nababahala ang kongregasyon sa mga usapin ng paglabag sa karapatang pantao, extrajudicial killings, pang-aabuso sa kapangyarihan, at kawalan ng pananagutan ng ilang opisyal ng pamahalaan.

“Peace cannot exist without justice, and true unity cannot be achieved without truth and accountability.”

Binigyang-diin din ng kongregasyon na hindi lamang simpleng usaping pampulitika ang kinakaharap ng bansa kundi isang seryosong usaping moral na may direktang epekto sa dignidad ng bawat Pilipino.

“These are not merely political issues. They are moral issues that affect the dignity of every Filipino and call for a response rooted in faith, prayer, and discernment,” ayon sa pahayag.

Tinukoy ng OCD ang mga ulat ng extrajudicial killings, pagharang sa katarungan, pagbawi ng mga subpoena kaugnay ng imbestigasyon sa mga pagpatay, at mga maniobrang pampulitika kaugnay ng impeachment at budget investigations na nagdudulot ng pangamba sa transparency, accountability, at rule of law.

“The Church and the faithful must go beyond superficial acts of charity and courageously confront the systems and attitudes that allow injustice to persist.”

Hinimok naman ng OCD ang mamamayan na manaig ang moralidad at kabutihang panlahat kaysa sa partidong pampulitika at pansariling interes.

“We therefore call on all Filipinos—regardless of political belief or affiliation—to rise above partisan interests and choose what is morally right and beneficial for the common good,” ayon pa sa pahayag.

Pinaalalahanan din ng mga Carmelite ang mamamayan sa kahalagahan ng pananalangin upang mabigyang-kaliwanagan ang karunungan ng bawat isa sa pagtugon sa mga usaping panlipunan.

“Prayer is not passive. Prayer gives us the wisdom and strength to seek what is right and just,” saad ng OCD.

Panawagan ng kongregasyon sa mga Pilipino ang mapayapang pagkilos, panalangin, at sama-samang paghahanap ng katotohanan upang maitaguyod ang isang bansang nakabatay sa katarungan, kapayapaan, at paggalang sa dignidad ng bawat tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 88,656 total views

 88,656 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 213,067 total views

 213,067 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 254,243 total views

 254,243 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 329,466 total views

 329,466 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top