Senador Padilla, may pananagutan sa pagpapatakas kay Senador dela Rosa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,984 total reads

Iginiit ni Akbayan Partylist Rep. Percival Cendaña na posibleng may pananagutan si Senator Robin Padilla sa ilalim ng International Criminal Court Rome Statute dahil sa sinasabing pagtulong kay Senator Ronald dela Rosa upang makaalis sa Senado habang kinakaharap ang usapin sa ICC warrant.

Ayon kay Cendaña, taliwas ang naging pahayag ni Padilla matapos nitong amining sumabay sa kanyang sasakyan si dela Rosa nang umalis ito sa Senado noong nakaraang linggo.

“Ang nakakatawa dito, paano masasabi ni Sen. Robin na hindi niya itinakas si Sen. Bato, e inamin niya na siya ang nag-udyok na umalis ito sa Senado at sa kaniya rin ang getaway vehicle,” ayon sa mambabatas.

Sinabi ng kongresista na maaaring pumasok sa paglabag sa Article 70 ng Rome Statute o “Offenses against the Administration of Justice” ang naging hakbang ni Padilla dahil sa paghadlang sa pagpapatupad ng warrant ng ICC.

Nanawagan din si Cendaña sa mga awtoridad na imbestigahan ang senador sa posibleng paglabag sa obstruction of justice law o Presidential Decree 1829, na nagpaparusa sa mga tumutulong upang maiwasan ang pag-aresto sa isang tao.

Ang panawagan ay kasunod ito ng naging pahayag ng Department of Justice na valid ang warrant of arrest na inilabas ng ICC.

Muli ring nanawagan ang mambabatas ng nationwide manhunt laban kay dela Rosa at iginiit na hindi dapat maging kanlungan ng mga pugante at mga inaakusahan ng paglabag sa karapatang pantao ang bansa.

“Isang kahihiyan ang pagkakanlong ng ilang Senador para sa isang pumatay ng libu-libo. ‘Wag sanang madagdagan pa itong nakakahiyang pagsasalaula sa katarungan at karapatang pantao. If the government is serious in capturing this fugitive then a nationwide manhunt is absolutely necessary,” giit pa ni Cendaña.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 7,203 total reads

 7,203 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 88,730 total reads

 88,730 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 182,955 total reads

 182,955 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 243,445 total reads

 243,445 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 256,989 total reads

 256,989 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top