D1L movement, nadismaya sa watered-down Anti-Political Dynasty Act sa Kamara

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 221 total views

Nagpahayag ng pagkadismaya ang Dapat Isa Lang o D1L Movement sa inaprubahang House Bill 8389 o ang panukalang Anti-Political Dynasty Act ng Kamara, na ayon sa grupo ay isang “watered-down” o mahinang bersyon ng tunay na reporma laban sa political dynasty.

Ayon kay D1L Movement Spokesperson Atty. Carlo Africa, hindi sapat ang nilalaman ng panukalang batas upang tuluyang mabuwag ang sistemang political dynasty sa bansa.

“We cannot help but wonder if this watered-down bill is sufficient enough to genuinely dismantle dynasties.” Bahagi ng pahayag ni Atty. Africa.

Ipinaliwanag ng grupo na nililimitahan lamang ng House bill ang pagbabawal hanggang second degree of consanguinity and affinity, samantalang isinusulong ng D1L Movement ang mas mahigpit na pagbabawal hanggang fourth degree of consanguinity and affinity.

“The House anti-dynasty bill not only fails to prohibit political dynasties. In fact, it is so weak that it legitimizes these dynasties.” Dagdag pa ni Atty. Africa.

Sa ilalim ng panukalang isinusulong ng D1L sa pamamagitan ng People’s Initiative, isang miyembro lamang ng pamilya ang maaaring humawak ng pambansa at lokal na posisyon, may one-term cooling-off period, at ipinagbabawal ang succession at pagpapalitan ng pwesto sa loob ng pamilya.

Naniniwala rin ang grupo na hindi maipapasa ng Kongresong dominado umano ng political dynasties ang isang tunay na anti-political dynasty law kaya’t hinihikayat nila ang mamamayan na suportahan ang People’s Initiative para maipasa ang “people’s version” ng naturang batas.

“Our version of the Anti-Political Dynasty Bill has resonated with ordinary citizens like us who are tired of the culture of corruption and impunity political dynasties have enabled and benefitted from.” Ayon pa kay Atty. Africa.

Binigyang-diin ng kilusan na layunin nitong tugunan ang matagal nang panawagan para sa reporma at pananagutan sa pamahalaan.

Dagdag pa ng Dapat Isa Lang o D1L Movement, layunin nitong tiyakin ang pantay na pagkakataon ng bawat mamamayan na makapagsilbi sa pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 113,569 total views

 113,569 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 237,980 total views

 237,980 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 278,000 total views

 278,000 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 351,623 total views

 351,623 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top