Matagumpay na rescue sa mga manggagawang natabunan sa gumuhong gusali sa Pampanga, panawagan ng CWS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,120 total reads

Nakiisa ang Church People Workers Solidarity o CWS sa panawagan ng Kilusang Mayo Uno sa pamahalaan na higit pang paigtingin ang pagsusulong ng occupational safety and health ng mga manggagawa.

Ang panawagan ay kasunod ng aksidente sa construction Site sa Balibago Angeles City Pampanga kung saan 40-construction workers ang natabunan ng gumuhong construction site.

Kinundena ng KMU ang patuloy na pagpapabaya ng administrasyong Marcos sa kaligtasan ng mga manggagawa gayundin ang mga construction company.

“Mariing kinukundena ng Kilusang Mayo Uno ang patuloy na pagpapabaya ng rehimeng Marcos sa karapatan ng mga manggagawa sa ligtas na lugar-paggawa. Hindi simpleng “aksidente” ang ganitong trahedya kundi resulta ng kawalan ng sapat na safety measures, mahinang pagpapatupad ng occupational safety and health standards, at prayoridad sa tubo kaysa buhay ng manggagawa. Habang kumikita ang malalaking contractor at developer, mga manggagawa naman ang inilalagay sa matinding panganib,” ayon sa mensahe ng Kilusang Mayo Uno.

Iginiit ng grupo na napapanahon nang unahin ng pamahalaan ang kapakanan ng mga manggagawa sa halip na kita.

Umaapela naman ang CWS at KMU sa pamahalaan na gawin ang lahat upang mailigtas ang mga natabunang manggagawa.

Hiniling din ng CWS sa gobyerno na panagutin sa batas ang mga pabayang contractor at developer ng gumuhong gusali.

Una ng umapela si Pope Francis noong nabubuhay pa sa mga employers na tiyakin ligtas ang mga lugar ng paggawa upang isulong ang pangangalaga sa kaligtasan at kapakanan ng mga manggagawa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 97,529 total reads

 97,529 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 147,893 total reads

 147,893 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 276,631 total reads

 276,631 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 362,016 total reads

 362,016 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 420,564 total reads

 420,564 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top