Cardinal Advincula sa mga Pilipino isabuhay ang “ecological conversion”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,215 total reads

Hinimok ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na isabuhay ang “ecological conversion” o pagbabagong pangkalikasan sa gitna ng lumalalang krisis sa kalikasan at lumalawak na urban development na patuloy na nakaaapekto sa mahihirap at kalikasan.

Sa kanyang mensahe para sa pagdiriwang ng Laudato Si’ Week, binigyang-diin ni Cardinal Advincula na mas naging makahulugan ang pagdiriwang ngayong taon kasabay ng ika-800 anibersaryo ng Transitus o pagpanaw ni San Francisco ng Assisi, na kilala sa buhay na payak, pagkakapatiran, at pagmamahal sa sangnilikha.

“Eight centuries after his death, the witness of the Poor Man of Assisi remains a prophetic call to recognize creation not as an object to exploit, but as a gift to receive with gratitude and responsibility,” pahayag ni Cardinal Advincula.

Iginiit ng arsobispo na malinaw nang nararanasan sa araw-araw ang epekto ng ecological crisis kabilang ang mabilis na pagkawala ng biodiversity, lumalalang climate emergency, at agresibong urban development na kadalasang isinasagawa kapalit ng kapakanan ng mga mahihirap at nasa laylayan ng lipunan.

Nagbabala rin si Cardinal Advincula sa lumalawak na kawalang-pakialam ng tao sa kalikasan na inilararwan nitong isa sa pinakamalaking panganib na kinakaharap ng lipunan ngayon.

“In the face of this, one of the gravest dangers we face is the growing indifference toward our common home. As the encyclical Laudato Si’ reminds us, many “choose not to change their habits and thus become inconsistent”,” babala ng kardinal.

Binigyang-diin ng kardinal na kinakailangan ang ecological conversion na isinusulong ni Pope Francis sa ensiklikal na Laudato Si’, ngunit sinabi nitong hindi ito madaling maisasakatuparan dahil nangangailangan ito ng tuloy-tuloy na paghuhubog ng isip at puso ng mga mananampalataya.

Kaugnay nito, sinuportahan din ni Cardinal Advincula ang pagpapalawak ng Laudato Si’ Circles sa Archdiocese of Manila sa ilalim ng Archdiocesan Ministry on Integral Ecology bilang maliliit na pamayanan ng panalangin, pagninilay, paghuhubog, at pagkilos para sa pangangalaga sa kalikasan.

“These Circles are tangible expressions of living out the message of Laudato Si’ in everyday Christian life,” ayon kay Cardinal Advincula.

Nanawagan din ang kardinal sa mga mananampalataya na higit na pagnilayan ang sangnilikha ng Diyos upang maisulong ang responsableng pagkilos, tunay na pakikiisa sa mahihirap, at mas matibay na pangangalaga sa kalikasan at kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 14,931 total reads

 14,931 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 53,033 total reads

 53,033 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 71,243 total reads

 71,243 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 155,572 total reads

 155,572 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 192,235 total reads

 192,235 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 80,167 total reads

 80,167 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top