Bishop Alminaza naglabas ng paglilinaw sa kaguluhan sa Senado

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,083 total reads

Nagpahayag ng paglilinaw si Caritas Philippines President, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza kaugnay sa umano’y maling interpretasyon at paggamit sa kaniyang isinapublikong pahayag noong Mayo 26, 2026 hinggil sa sitwasyon sa Senado.

Sa kaniyang Statement of Clarification, iginiit ni Bishop Alminaza na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice, and Peace na ang kaniyang naunang pahayag ay hindi pagtatanggol sa anumang partidong pulitikal, pamilya, o paksyon kundi isang moral na panawagan para sa lahat ng mga opisyal ng pamahalaan na unahin ang kapakanan ng mamamayan kaysa pansariling interes at pamumulitika.

“My statement was never intended to defend any political bloc, faction, family, or party. It was a moral appeal addressed to all public officials, regardless of affiliation, who place political survival, personal interests, partisan maneuvering, and power struggles above the urgent needs of the Filipino people.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza.

Ayon sa Obispo, ang pagtatangka na baguhin at gawing armas ang kanyang nakalipas na pahayag tungkol sa sitwasyon sa Senado ay lubhang hindi katanggap-tanggap at lalo lamang nagpapalala sa kultura ng pagkakawatak-watak, maling impormasyon, at manipulasyong pampulitika na patuloy na nagpapahirap sa mga mamamayan.

“Recent attempts to twist and weaponize my May 26 statement on the situation in the Senate are deeply unfortunate. They only further contribute to the culture of division, disinformation, and political manipulation that continues to wound our people.” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Giit ng Obispo, higit sa sinuman ay labis nang nasasaktan ang sambayanan dahil sa kultura ng pagkakahati-hati, disinformation, at manipulasyong pulitikal habang patuloy namang nararanasan ng marami ang kahirapan, kagutuman, kawalan ng trabaho, pagtaas ng presyo ng mga bilihin, katiwalian, at pagkasira ng kalikasan.

Binigyang-diin din ni Bishop Alminaza na kabilang sa kaniyang kinokondena ang mga nagpapahina sa proseso ng pananagutan, nagpapakalat ng maling impormasyon upang manipulahin ang opinyon ng publiko, at gumagamit ng relihiyon at Banal na Kasulatan upang bigyang-katwiran ang mga layuning pulitikal.

Muli ring kinondena ng Obispo ang katiwalian, kabilang ang paglustay sa pondo para sa mga pangunahing serbisyo at disaster response habang patuloy na nagdurusa ang mga mahihirap dahil sa baha, gutom, at kapabayaan.

“To be clear: my concern is directed toward all who use the Senate and other public institutions to advance personal or political interests instead of pursuing justice, accountability, and the common good… It also includes those involved in corruption, including the plunder of public funds intended for essential services and disaster response, while ordinary Filipinos continue to suffer from floods, hunger, displacement, and neglect.” Ayon pa kay Bishop Alminaza.

Samantala, iginiit din ni Bishop Alminaza na hindi maaaring manahimik ang Simbahan sa gitna ng paglaganap ng kasinungalingan at pagkasira ng tiwala sa mga institusyon ng pamahalaan.

Paliwanag ng Obispo ang sambayanang Pilipino ay nangangailangan ng mga tunay na lingkod-bayan na naghahangad ng katarungan kaysa propaganda, pananagutan kaysa impunity, at paglilingkod kaysa pagsusulong ng pansariling kapakanan.

“The Church cannot remain silent when public discourse is poisoned by lies, when democratic institutions are reduced to political spectacle, and when the suffering of the poor is overshadowed by endless partisan conflict.” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 37,645 total reads

 37,645 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 75,382 total reads

 75,382 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 110,680 total reads

 110,680 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 336,950 total reads

 336,950 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 228,010 total reads

 228,010 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top