Kaguluhan sa liderato ng Senado, ikinababahala ng CenPEG

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,044 total views

Nagpahayag ng matinding pagkabahala ang Center for People Empowerment in Governance (CenPEG) sa patuloy na kaguluhan, at mga hakbang na maaaring humadlang sa pananagutan sa loob ng Senado.

Sa inilabas na pahayag, iginiit ng CenPEG na ang Senado ay hindi dapat maging kanlungan ng mga lumalabag sa batas o lugar kung saan maaaring gamitin ang kapangyarihang pampulitika upang hadlangan ang pagpapatupad ng hustisya.

Ayon kay CenPEG Chairperson Prof. Roland G. Simbulan, itinatag ang Senado upang palakasin ang demokratikong pamamahala at itaguyod ang tuntunin ng batas, kaya’t anumang pagtatangkang gawing santuwaryo ito ng mga nais umiwas sa pananagutan ay isang paglapastangan sa Saligang Batas at sa sambayanang Pilipino.

“The Center for People Empowerment in Governance (CenPEG) expresses its profound outrage over the continuing disorder, political maneuvering, and apparent efforts to undermine accountability in the Philippine Senate. The Senate was never intended to be a sanctuary for lawbreakers, a refuge from accountability, or a venue where political power can be used to frustrate the operation of justice. It is a constitutional institution entrusted with the solemn duty of making laws, exercising oversight, protecting public resources, and upholding the rule of law.” Bahagi ng pahayag ni Simbulan.

Binigyang-diin ng grupo na ang mga kamakailang pangyayari sa Senado ay nagbubukas ng mga tanong kung ginagamit ba ng ilang mga personalidad ang mga proseso at kapangyarihan ng institusyon hindi para sa kapakanan ng mamamayan kundi upang maantala o mapahina ang mga lehitimong proseso ng pananagutan.

Iginiit din ng CenPEG na hindi dapat magsilbing panangga ang Senado para sa sinumang nahaharap sa seryosong mga alegasyon anuman ang kanilang partidong kinabibilangan, posisyon sa pamahalaan, o personal na ugnayan.

Pinuna rin ng organisasyon ang masamang halimbawa na maaaring maipakita sa publiko, lalo na sa mga kabataan, kung ang mga halal na opisyal ay mas inuuna ang pamumulitika kaysa sa maayos na paglilingkod at paggalang sa mga demokratikong institusyon.

“The Senate must never become a shield for impunity. It must never be used to protect those facing serious allegations of wrongdoing, regardless of political affiliation, personal alliances, or position in government. The law must apply equally to all.” Dagdag ni Simbulan.

Dahil dito, nanawagan ang CenPEG sa mga senador na ibalik ang dignidad ng institusyon, igalang ang mga prosesong nasasaad sa Konstitusyon, at unahin ang pambansang kapakanan kaysa pansarili o pampartidong interes.
Ayon sa grupo, nararapat lamang na manatiling tagapagtanggol ng demokratikong pananagutan at katiwala ng tiwala ng bayan ang Senado sa gitna ng mga hamong kinakaharap ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 8,086 total views

 8,086 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 41,168 total views

 41,168 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 69,519 total views

 69,519 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 137,249 total views

 137,249 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 159,738 total views

 159,738 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top