Misyon na rebuilding lives, rekindling hope at restoring dignity, paiigtingin ng PJPS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,426 total views

Nagtipon ang komunidad ng Philippine Jesuit Prison Service Foundation, Inc. noong Hunyo 2, 2026 para sa pagdiriwang ng Mass of the Holy Spirit bilang pagsisimula ng panibagong fiscal year na nakasandig sa pananampalataya, pag-asa, at panibagong pagtatalaga sa misyon ng samahan.

Isinagawa ang banal na misa sa tanggapan ng PJPS kung saan nagsama-sama ang mga kawani, volunteers, at mga opisyal ng organisasyon upang magpasalamat sa mga biyayang natanggap at pagnilayan ang patuloy na paggabay ng Diyos sa kanilang paglilingkod sa mga persons deprived of liberty at kanilang mga pamilya.

Kasabay ng pagdiriwangang pagsalubong ng komunidad kay bagong PJPS Executive Director Atty. Philip “Ipe” Gan.

Muli ring ipinagkatiwala ng samahan sa patnubay ng Espiritu Santo ang pangangasiwa sa komunidad kasama ang mga kawani, volunteers, katuwang sa misyon, donor, at mga benepisyaryo ng organisasyon.

“The prison ministry is a journey of presence. It is about walking with people through their struggles, celebrating their victories, and believing in the dignity that remains within every person. As we begin this new year together, we are reminded that the Holy Spirit continues to move in places where hope is needed most.” Bahagi ng pahayag ng PJPS.

Ayon sa PJPS, ang pagsisimula ng bagong fiscal year ay hindi lamang pagbabago ng kalendaryo kundi panibagong paanyaya upang ipagpatuloy ang misyong “Rebuilding Lives, Rekindling Hope, and Restoring Dignity” para sa mga nakakulong, kanilang mga pamilya, mga dating bilanggo, at mga komunidad na apektado ng pagkakakulong.

“For PJPS, the beginning of a new fiscal year is more than a change in calendar. It is a renewed invitation to continue our mission of Rebuilding Lives, Rekindling Hope, and Restoring Dignity among persons deprived of liberty, their families, released persons, and communities affected by incarceration.” Dagdag pa ng PJPS.

Binigyang-diin din ng organisasyon na ang ministeryo sa mga bilangguan ay isang paglalakbay ng presensya at pakikiisa sa mga taong dumaraan sa pagsubok, pagdiriwang sa kanilang mga tagumpay, at paniniwala sa likas na dignidad ng bawat tao.

Matapos ang banal na misa ay nagsalo-salo ang mga kalahok bilang pagpapalalim ng pagkakaibigan, pagkakaisa, at diwa ng paglilingkod na nagbubuklod sa komunidad ng PJPS sa kanilang patuloy na paghahatid ng awa at pag-asa sa mga persons deprived of liberty at kanilang mga pamilya.

Ang Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) ay ang socio-pastoral apostolate ng Society of Jesus (Philippine Province) na nagkakaloob ng iba’t ibang mga serbisyo at programa tulad ng holistic rehabilitation sa mga bilanggo o Persons Deprived of Liberty.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 39,827 total views

 39,827 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 72,909 total views

 72,909 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 101,260 total views

 101,260 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 168,992 total views

 168,992 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 189,350 total views

 189,350 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top