Mga Pari sa Diocese of Pasig,nag-ambagan para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,667 total reads

Nag-ambagan ang mga Pari ng Diocese of Pasig para sa ipapadalang cash aid sa Diocese of Marbel Social Action Center na pansamantalang tulong pinansiyal sa mga biktima ng 7.8 na magnitude na lindol noong ika-8 (lunes) ng Hunyo 2026.

Sinabi ni Diocese of Pasig Bishop Mylo Vergara na ang nakalap na 200-libong pisong cash ay pakikiisa ng mga pari sa libu-libong residente na naapektuhan ng malakas na lindol.

“Simula noong nangyari yan, talagang nandoon yung pakikidalamhati natin sa mga biktima ng sakuna, at alam po natin na talagang hindi inaasahan ang pagdating ng lindol ay talagang bigla-bigla, sa Diyosesis po ng Pasig, dito sa kaganapang ito, agad-agad yung mga Pari po sa aming pag-aambag maglalabas na po kami ng immediately para sa relief ng mga 200-thousand na ipapadala natin sa Social Action Account ng Diocese ng Marbel,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Vergara

Inihayag ng Obispo na tatalima din ang Diocese of Pasig sa kautusan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na magsagawa ng 2nd collection sa lahat ng misa ng mga parokya sa Diyosesis upang ilaan na tulong sa earthquake victims.

“Ikalawa po, nagbigay na po ng mensahe po at directive ang ating CBCP-President Archbishop Gilbert Garcera na itong darating na linggo (June 14) na kung pwede ay magkaroon ng 2nd collection ang ating mga parokya, at yan po ay ginawa ko na pong direktba ngayon-ngayong lang para makatulong po sa Diyosesis ng Marbel at iba pang mga nasalanta ng naganap na trahedya na lindol,” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Vergara.

Patuloy din ang pagiging aktibo ng iba pang ahensya ng simbahan upang kagyat na maipadala ang tulong sa mga biktima ng lindol.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 9,524 total reads

 9,524 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 45,487 total reads

 45,487 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 101,893 total reads

 101,893 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 225,132 total reads

 225,132 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top