Caritas Manila, nanawagan sa mamamayan ng tulong para sa mga biktima ng lindol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,102 total reads

Muling nanawagan ng tulong ang Caritas Manila sa publiko para sa mga biktima ng magnitude 7.8 na lindol sa Sarangani at iba pang apektadong lugar sa Mindanao.

Ayon kay Caritas Manila Financial Stewardship Head Rye Zotomayor, layunin ng panibagong apela na mapalawak pa ang paghahatid ng ayuda sa mga komunidad na matinding naapektuhan ng pagyanig.

“Tayo po ay muling nag-a-appeal sa mga tagapakinig sa RAdyo Veritas, sa lahat ng mga regular supporter at donor ng Caritas Manila na tulungan natin ‘yung mga naging biktima ng Mindanao earthquake,” ayon kay Zotomayor.

Una na ring nakapagpadala ang Caritas Manila ng 500 libong piso na paunang tulong sa Social Action Center ng Diocese ng Marbel para sa mga nasalanta.

Gayunman, sinabi ng Caritas na marami pang lugar at pangangailangan ang dapat tugunan, lalo na’t maraming imprastraktura ang nasira kabilang ang mga simbahan, kapilya, at iba pang institusyon ng simbahan.

Para sa mga nais tumulong, nakalatag ang mga donation packages tulad ng 500 pesos para sa medical kit, 1,000 pesos para sa food packs na may bigas, delata, monggo, noodles at oatmeal, at 1,000 pesos din para sa hygiene kit.

Naglalaan din ang Caritas Manila ng 2 milyong piso para sa pagtatayo ng 3-in-1 multipurpose chapel na magsisilbing simbahan, evacuation center, at lugar ng pagtitipon.

Kasabay nito, nagbabala ang Caritas Manila laban sa mga nananamantala sa sakuna sa pamamagitan ng panloloko, at hinikayat ang publiko na magbigay lamang sa opisyal na channels ng organisasyon.

Pinayuhan din ang mga donor na i-verify ang impormasyon sa official website at social media pages ng Caritas Manila upang matiyak ang lehitimong donation accounts at QR codes.

“Doon po lamang tayo magtiwala sa official pages and other social media ng Caritas Manila o kaya ay tumawag, i-visit ang website CaritasManila.org.ph at nanduon ang mga contact details at maari rin ditong i-verify kung tama ang QR code, kung tama ba ang mga account number,” ayon pa sa pahayag ni Zotomayor.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 13,850 total reads

 13,850 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 13,977 total reads

 13,977 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 25,089 total reads

 25,089 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 81,495 total reads

 81,495 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 204,996 total reads

 204,996 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 289,124 total reads

 289,124 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RCAM, magsasanay ng emergency management

 13,851 total reads

 13,851 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 13,978 total reads

 13,978 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »
Scroll to Top