Pagbisita sa pilgrim image ng mahal na birhen ng Guadalupe, isang biyaya sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,665 total reads

Inihayag ng rector at parish priest ng National Shrine of Our Lady of Guadalupe sa Makati City na higit pa sa isang relihiyosong gawain ang pagdating sa Pilipinas ng pilgrim image ng Mahal na Birhen ng Guadalupe.

Ayon kay Fr. Carlos Reyes, ang pagbisita sa imahe ay isang paalala sa malalim na ugnayang espirituwal at pangkasaysayan ng bansa sa debosyon sa patrona ng Amerika.

Sinabi ng pari na malaking biyaya para sa mga Pilipino ang pagkakataong makadalaw at makapagbigay-pugay sa pilgrim image, tilma, at larawan ni San Juan Diego na nagmula mismo sa Mexico at kasalukuyang inililibot sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

“Nagkaroon ng pagkakataon na mailibot sa buong kapuluan ng Pilipinas,” ani Fr. Reyes, kasabay ng pagpapaliwanag na layunin ng pagdalaw na higit pang palaganapin ang debosyon sa Mahal na Birhen ng Guadalupe sa sambayanang Pilipino.

Nilinaw ng pari na hindi maihihiwalay ang kasaysayan ng Simbahang Katolika sa Pilipinas sa Mexico, kung saan unang ipinahayag ng Mahal na Birhen ang kanyang sarili kay San Juan Diego noong 1531.

“Dahil ang ating pananampalataya ay may kaugnayan sa Mexico at sa mahabang panahon ay under tayo sa Archdiocese of Mexico noon bago tayo nahiwalay at naging Diocese of Manila,” ani Fr. Reyes.

Sinabi ni Fr. Reyes na doon nagsimula ang pagiging mga anak ng Guadalupe o ng Mahal na Ina na nagpakita sa Guadalupe.

Ayon sa pari, ang pagdating ng pilgrim image ay nagsisilbing pagbabalik-tanaw sa mga ugat ng pananampalatayang Katoliko sa Pilipinas at sa mahalagang papel ng Guadalupe sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Amerika at maging sa mga bansang nakaugnay rito tulad ng Pilipinas.

Ibinahagi rin ni Fr. Reyes na ang debosyon sa Mahal na Birhen ng Guadalupe ay naging daan sa pagbabalik-loob ng milyon-milyong katutubo sa pananampalatayang Kristiyano at hanggang sa kasalukuyan ay nananatiling buhay sa iba’t ibang panig ng mundo.

Umaasa ang pari na ang pagdalaw ng pilgrim image ay magsisilbi ring pagkakataon upang higit na maunawaan ng iba’t ibang Kristiyanong pamayanan ang tunay na papel ni Maria sa pananampalataya.

“Hindi dapat ganito. She should be the one who is pointing us to Jesus,” ani Fr. Reyes, kaugnay ng kanyang panawagang gawing tulay ng pagkakaisa ang Mahal na Birhen sa halip na maging sanhi ng pagkakahati-hati.

Magbubukas sa publiko sa June 19 ang pagdalaw sa pilgrim image sa National Shrine of Our Lady of Guadalupe sa Makati City, kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga deboto mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang mag-alay ng panalangin at magbigay-pugay sa Mahal na Ina ng Guadalupe.

Magsisimula ang pagtitipon sa alas 5 ng hapon sa pamamagitan ng isang cultural show sa harapan ng dambana, na susundan ng banal na misa sa alas 6:30 ng hapon at public veneration para sa pilgrim image ng Mahal na Ina.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 116,418 total reads

 116,418 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 149,747 total reads

 149,747 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 181,891 total reads

 181,891 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 247,953 total reads

 247,953 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 259,746 total reads

 259,746 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top