META, maghihigpit sa mga kabataan online

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,054 total reads

Inilunsad ng Meta Philippines, kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga child safety advocates ang Screen Smart Philippines
Ang digital literacy initiative ay naglalayong palakasin ang kaligtasan ng mga kabataan sa online na mundo kasabay ng mas pinalawak na safety features ng Meta sa mga Instagram o Facebook teen accounts.

Agarang ipapatupad ng META ang mas mahihigpit na privacy at content settings para sa mga gumagamit ng Instagram na may edad 13-taong gulang hanggang 17.

Kinabibilangan ito ng default na private accounts, mas istriktong messaging restrictions, limitadong tagging system, 60 minutong screen time reminders, at sleep mode mula alas-10 ng gabi hanggang alas-7 ng umaga.

“Teen Accounts were designed to solve one of parents’ biggest concerns—whether their teens are safe online. These protections are turned on by default for all teens, and younger users cannot change the settings without parental permission. We want Filipino parents to have greater peace of mind, knowing their teens are interacting in a safer digital environment with age-appropriate content,” ayon sa pahayag ni META – APAC Head of Safety Policy Malina Enlund. ”

Inihayag ni Meta Philippines Head of Public Policy Gio Tingson na layunin ng mga bagong hakbang na mabigyan ng mas ligtas na online experience ang mga kabataan at mas malaking kapanatagan ang kanilang mga magulang.

Ka-partner ng META sa inisyatibo ang Council for the Welfare of Children, National Youth Commission, at Stairway Foundation upang isulong ang digital literacy at child online protection programs sa bansa.

Kaugnay nito, patuloy ding isinusulong ng Simbahang Katolika ang responsableng paggamit ng teknolohiya upang mapangalagaan ang dignidad at kapakanan ng bawat tao, lalo na ng mga kabataan dahil binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos ng pamilya, pamahalaan, pribadong sektor, at lipunan upang matiyak na ang digital space ay magiging ligtas at makataong lugar para sa edukasyon at paghubog ng kabataan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 114,797 total reads

 114,797 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 148,127 total reads

 148,127 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 180,271 total reads

 180,271 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 246,333 total reads

 246,333 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 258,229 total reads

 258,229 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top