Simbahang Katolika, hindi mananahimik sa kawalan ng pananagutan sa mga katiwalian sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,581 total reads

Nagkaisa ang mga lider ng Simbahang Katolika at mga Evangelical Church sa panawagan ng pananagutan ng mga sangkot sa katiwalian at pag-iral ng katarungang panlipunan sa isinagawang White ribbon march sa EDSA shrine at Edsa people power monument noong ika-28 ng Hunyo, 2026.

Ayon kay Father Joel Saballa, Deputy Executive Director ng Caritas Novaliches, hindi mananahimok ang mga Pilipino lalu na ang mga lingkod ng Simbahan sa panawagang maibalik ang katarungan sa pondong kinamkam ng mga opisyal ng pamahalaan at kasabwat na indibidwal gayundin ng mga kontraktor sa gobyerno.

Iginiit ni Fr. Saballa na kailangang magkaroon ng accountability at maparusahan ang mga tiwaling opisyal upang matigil na ang nakasanayang korapsyon sa pondo ng bayan.
Inihayag ng Pari na ang white ribbon march ay paalala na maraming mga grupo at Pilipino ang humihingi ng accountability sa mga pinuno ng bansa.

“Isang paalala ito sa ating pamalaan sa ating bayan na meron pa rin mga grupo at mga Pilipino nagmamalasakit ukol po sa paghingi ng accountability sa ating mga leader, panagutin natin sila at patuloy tayo pag tayo mapagod na magsalita ukol sa mga usapin ito. Kasi kung titigil tayo, magpapatuloy ang kanilang kahibangan, ang kanilang kasakiman. Ngunit pag tayo patuloy nagsasalita, ay titigil ito sa pamamagitan ng ating pagkakaisa” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Father Saballa,

Iginiit naman ni Bishop Efraim Tendero, ng Philippine Council for Evangelical Churches na nararapat lamang na patuloy na palakasin ang panawagan sa pamahalaan upang maging maayos ang imbestigasyon sa flood control project scandal at makasuhan ang dapat kasuhan gayundin mapanagot ang dapat managot.
Nanawagan din ang mga lider ng simbahang katolika na manaig ang katarungang nagmumula sa Diyos at sa sambayanang Pilipino upang tuluyang matuldukan ang korapsyon sa bansa.(

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 29,359 total reads

 29,359 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 164,780 total reads

 164,779 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 250,163 total reads

 250,163 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 313,996 total reads

 313,996 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 392,797 total reads

 392,797 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top