Abalang dulot ng pagtitipon ng INC sa Edsa people power monument, inaayos ng MMDA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,390 total reads

Nagdulot ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko ang biglaang pagtitipon ng isang religious group sa Edsa People Power Monument, simula Martes ng madaling araw.

Kinumpirma naman ni MMDA General Manager Nicolas Torre III walang kaukulang permit ang pagtitipon na labis na nakaabala sa daloy ng trapiko.

Sa panayam ng programang Kalakbay ng Pamilya ng Radyo Veritas, sinabi ni Torre na dahil sa insidente ay agad na nagsagawa ng clearing operations ang MMDA upang maibalik sa normal ang daloy ng trapiko at matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at commuter.

“Wala po. Wala itong permit,” ayon sa pahayag ni Torre.

Kaya’t panawagan ni Torre sa publiko, “Mas mabuti pong iwasan muna ang lugar habang ibinabalik pa namin ito sa dating kalagayan. Para na rin hindi na madagdagan ang abala sa mga motorista,” ayon kay Torre.

Pinapayuhan ang mga motorista na pansamantalang umiwas sa naturang ruta at dumaan muna sa mga alternatibong kalsada upang maiwasan ang matinding abala sa biyahe.

Patuloy namang binabantayan ng mga awtoridad ang sitwasyon habang inaasahang tuluyang maibabalik sa normal ang daloy ng trapiko sa lalong madaling panahon.

Samantala, kinansela ng Malacañang ang ilang nakalinyang public engagement ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa labas ng Palasyo ngayong araw.

Kasama sana sa mga aktibidad na dadaluhan ni Pangulong Marcos ang inagurasyon ng Marine clean-up vessel for the Enhancement of Marine Litter Management.

Hindi na rin dadalo ang pangulo sa Presidential Luncheon na inorganisa ng Foreign Correspondents Association of the Philippines o FOCAP.

Habang tuloy naman ang mga gawain ng Pangulo sa loob ng Palasyo, kabilang ang presentation ng credentials ng bagong US Ambassador to the Philippines na si Lee Lipton.

Ayon kay PCO Acting Secretary Dave Gomez, nakaantabay din ang Pangulo sa mga kaganapan kaugnay ng isinasagawang rally sa EDSA.

Una ng kinumpirma ng Iglesia ni Cristo na ang pagkilos ay bilang suporta kay Senator Rodante Marcoleta.

Una ng inihayag ni Ombudsman Crispin Remulla, na ang senador ay sasampahan ng kasong plunder, dahil sa pagtanggap ng P75 M na hindi idineklarang campaign donations sa kanyang kandidatura noong 2025.

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 21,023 total reads

 21,023 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 52,644 total reads

 52,644 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 113,141 total reads

 113,141 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 132,579 total reads

 132,579 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 213,233 total reads

 213,233 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 312,576 total reads

 312,576 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top