85-pesos na dagdag sa arawang minimum wage sa NCR, pinuri ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,268 total reads

Kinilala ni Father Erik Adoviso – Minister ng Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern (MAMLC) ang kautusan ng Department of Labor and Employment na 85-pesos na umento sa daily minimum wage sa National Capital Region.

Bunsod ng desisyon ng DOLE, mula sa dating 695-pesos na arawang minimum wage, magiging 780-pesos ang minimum wage ng mga manggagawa sa Metro Manila kapag naipatupad na ang 85-pesos na dagdag sa arawang sahod.

Inihayag ni Fr. Adoviso na malaking tulong sa mga minimum wage earners na apektado ng krisis sa enerhiya, at pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo publiko ang 85-pesos na dagdag sahod.

Gayunman, iginiit ng pari na kulang pa rin ang napagdesisyunang umento sa sahod dahil sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga bilihin, pagkain, pamasahe, bayarin sa tubig at kuryente dahil s amabilis na pagtaas ng inflation rate sa una at ikalawang quarter ng taong 2026.

“Malaking tulong ‘yan sa mga minimum wage earner. Kaya sa kaso, siyempre, inutay-utay pa rin. Siguro, hindi ko alam kung bakit hinati-hati pa. Pero kung i-compare mo ‘yan sa mga bilihin natin ngayon, siyempre, kulang pa rin ‘yan. Kulang pa rin ‘yan sa mga pangkaraniwang manggagawa. Kaya siyempre, sana marating natin ‘yung minimum, ‘yung talagang family rates o just rates na tinatawag ng Catholic Social Teaching. ‘Yun ang gusto natin, Pero ito, siguro, malaking tulong na ‘yan para sa mga minimum wage earners.” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Father Adoviso.

Tinukoy ni Fr.Adoviso na mahalagang hakbang ang wage increase ngunit kinakailangan pa ring maabot ang daily family living wage na base sa IBON foundation ay umaabot ng 1,216-pesos para makapamuhay ng disente ang isang minimum wage earners na sinusuportahan ang 5-miyembro ng pamilya.

“Pero ito, siguro, malaking tulong na ‘yan para sa mga minimum wage earners. Pero again, kung ilulugar natin ‘yan sa mga bilihin ngayon ng bigas, ulam, hindi pa rin niya kakayanin, yung upa sa bahay, maliit na kuwarto na umaabot na sa four thousand pesos a month ang renta, at ilan lang ang nakatira doon? Tatlo, apat—hindi siya kasya. Kaya malaking hakbang, pero ayon sa turo ng Simbahan, sana marating natin ‘yung family just living wage,” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Father Adoviso.

Ang 85-pesos na wage hike ng DOLE ay umaayon naman sa panlipunang katuruan ng Simbahan na nagsusulong ng dignidad ng paggawa at makatarungang pasahod.

Sa July 19, 2026 ipapatupad ang unang bahagi ng wage hike at sa January 2027 naman ang ikalawang bugso ng umento sa sahod hanggang sa maitakda sa 780-pesos ang minimum wage ng mga manggagawang nasa pribadong sektor habang 743-pesos naman sa agricultural sector.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 52,432 total reads

 52,432 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 86,016 total reads

 86,016 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 187,842 total reads

 187,842 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 228,399 total reads

 228,399 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 246,812 total reads

 246,812 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

73-taong paglilingkod sa mahihirap

 289 total reads

 289 total reads Kinilala ng Caritas Manila, social arm ng Archdiocese of Manila ang mahalagang papel ng volunteers, donors, benefactors at mission partners sa pagpapalaganap ng

Read More »
Scroll to Top