85-pesos na wage hike, malaking tulong sa minimum wage earners sa NCR-Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,117 total reads

Pinuri ng mga lider ng Simbahang Katolika ang 85-pesos na wage increase ng Department of Labor and Employment o DOLE sa arawang sahod ng mga minimum wage earner sa National Capital Region o Metropolitan Manila na
Ayon kay Prelature of Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo, higit na kinakailangan ngayon ng mga manggagawa ang wage hike dahil sa nararanasang krisis sa ekonomiya sa Pilipinas maging sa buong mundo.

Sinabi ng Obispo na ang ₱85 dagdag-sahod ay malaking tulong sa mga manggagawa upang maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng gastusin sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Gayunpaman, iginiit ni Bishop Pabillo na kasunod ng wage hike ay dapat magkaroon ng balanse sa pagitan ng dignidad ng mga manggagwa at kakayahan ng mga employers na maipagpatuloy ang kanilang mga operasyon upang maging maayos ang kalakalan kasunod ng parehong pagkamit ng makatarungan kita ng mga mangggagawa at employers.

“Itong pagtaas ng sweldo para sa Metro Manila, talagang nangangailangan naman ang mga tao ng pagtaas ng sahod ngayong panahon ng paghihirap, kaya sana makatulong ito sa mga tao, pero sana hindi naman mahirapan ang mga nagpapasweldo sa kanila. Sa pinag-usapan naman sa tuwing ito, ‘yung ₱85 na pagtaas ng sahod ay tulong sa tao, pero hindi sana mapahirapan din ang mga nagnenegosyo,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Iginiit naman ni Father Noel Gatchalian – Chairman ng NCR branch ng Church People-Workers Solidarity na hindi sapat ang ipinatupad na 85 pesos na dagdag-sahod para sa mga minimum wage earners sa NCR.

Nilinaw ni Fr.Gatchalian na bagamat positibo ang wage increase ay malayo pa rin ito sa isinuslong na 1,200-pesos na living wage upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga manggagawa at kanilang pamilya.

Binigyang-diin din ng pari na may kakayahan ang malalaking kumpanya na magbigay ng mas mataas na sahod dahil sa kanilang kinikita.

Sinabi ng Pari na hindi makatarungan ang wage adjustment kung hindi makasabay sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

” Ibig sabihin, kumikita naman ang mga kumpanya, at malaki ang kinikita. Ngunit, hindi pantay at hindi makatarungan ang sahod. Maganda ito, at least itinaas, pero huwag naman nilang isangkalan na masisira ang micro industry. Ibig sabihin mo, maliliit na. Dapat, halimbawa, ‘yung PLDT, kaya nilang itaas kasi kumikita naman sila. Meralco, ganyan. ‘Yan ang mahalaga, na dapat naaayon sa ikabubuhay ng mga manggagawa. ‘Yan ang dapat nating sundin. Napakabagal ng pag-usad, samantalang ang pagtaas ng presyo, hindi na bumababa ang presyo ng mga bilihin. Kaya napakahalaga na dapat ‘yung ikabubuhay, ‘yan ang dapat maging sahod,” bahagi ng panayam ng Radyo Veritas kay Father.Gatchalian.
Magsisimula sa July 19, 2026 ang unang bahagi ng wage hike at sa January 2027 naman ang ikalawang bugso para umabot sa 780-pesos ang daily minimum wage para sa mga mangggagawang nasa private sector at hanggang 743-pesos naman sa agricultural sector

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 51,362 total reads

 51,362 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 85,023 total reads

 85,023 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 186,848 total reads

 186,848 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 227,407 total reads

 227,407 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 245,864 total reads

 245,864 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

73-taong paglilingkod sa mahihirap

 244 total reads

 244 total reads Kinilala ng Caritas Manila, social arm ng Archdiocese of Manila ang mahalagang papel ng volunteers, donors, benefactors at mission partners sa pagpapalaganap ng

Read More »
Scroll to Top