Values formation sa mga mag-aaral, paiigtingin ng CEAP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,366 total reads

Isinusulong ng Catholic Educational Association of the Philippines o CEAP ang mas pinaigting na pagtuturo sa mga kabataan ng values formations subjects upang maging kaugalian ang mas maayos na pakikipagkapwa, paggalang sa batas at mabuting asal sa mga kabataan.
Ayon kay CEAP Vice-president Father Wilmer Tria, ito ay matapos ang magkakasunod na insidente ng karahasan sa mga paaralan na biktima ang mga inosenteng estudyante, guro at kawani ng mga paaralan.

Ayon sa Pari, nananatili ang paninindigan ng CEAP na huwag tanggalin sa General Education Curriculum ang pagtuturo ng mga subject sa values education o formation.

Naniniwala ang Pari na mababawasan o tuluyang maiwaksi ang mga insidente ng karahasan sa mga paaralan kapag napaigting ang character formation sa mga mag-aaral.

“So kami ay talagang nag-worry na nangyayari ito. So kami nagpalabas kaagad ng statement. Kailangan palakasin natin ang education, especially yung values education, yung virtue, yung formation. Gusto nga tanggalin sa general education. Ayaw na ayaw natin maalis ang ethics sa ating mga curriculum dahil ito ang kailangan ng mga tao, yung character formation. Kaya ito po yung paninindigan namin na kailangan na bantayan ang mga kabataan at sa pagbabantay, mabigyan natin ng mga tamang lessons para sa kanila. Para sila po ay maging ganap na mga tao. Hindi lang may skills sa technology, kundi talagang merong mga lessons coming from the heart and for the heart,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Tria.

Hinikayat din ni Fr.Tria ang pamahalaan, mga magulang at legal guardians na paigtingin din ang monitoring sa social media at digital flatforms activities ng mga kabataan upang mapigilan sa masamang epekto nito sa moral foundations ng mga estudyante.

Nanawagan din ang Pari sa pamahalaan na magpatupad ng mga polisiyang higpitan ang access ng mga kabataan sa social media platforms.

“Actually talaga, kahit sa ibang bansa, may mga bata na hindi muna in-expose dito sa social media. Kasi sa social media, lalo na ng mga games na ‘yan, wala nang boundaries, walang fences, walang nagbabantay, So accessible sa lahat. Kaya dapat yung mga magulang ay may malaking part dito sa pagbabantay at paghuhubog ng mga kabataan. Kasi hindi sila pwedeng ma-expose kahit sa mga materials na hindi bagay sa kanila,” bahagi pa ng panayam ng Radyo Veritas kay Father Tria.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 109,081 total reads

 109,081 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 194,462 total reads

 194,462 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 258,301 total reads

 258,301 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 338,678 total reads

 338,678 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 416,512 total reads

 416,512 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top